VII

9 3 4
                                    

CHAPTER 7

Transfer

Nang matapos ang summer na yun gaya nang sabi ni kuya Eric, ay nagbalik nga kami ng 3rd week ng May para magprepare sa opening ng classes. Namili agad sina Kuya ng gamit sa eskwela sa tiangge sa takot na baka maubusan ng gamit. Hindi naman na ako nag-alala sa pag eenrol dahil si Papa na ang nag aasikaso nun pag nakina Lola ako.

Naalala ko ang nagdaan na summer at wala akong ibang naging ekspresyon doon kundi ang pagka bagot ko kaya napansin nina Lola at Lolo.

"Oh bakit dati naman di ka nababagot dito? Sabi mo nga favorite mo dito samin diba?" si Lola na may halong pagtatampo ang boses matapos kong sabihin na nakakabagot na doon at gusto ko nang umuwi.

"Hindi naman po Lola, favorite ko pa din naman po dito kaya lang po mula nang nasali ako sa choir doon gusto ko po mag ensayo nang mag ensayo." sabi ko sabay buntong hininga habang nakatanaw sa terasa nina Lola.

Para lang akong ibon na nakakulong sa itsura nang pagtingin ko sa terasa nina Lola. Hindi naman ang pag eensayo ang gusto ko. Gusto ko lang lumaboy laboy sa simbahan dahil nalaman ko na aktibo nga sina Nic doon at baka makita ko siya uli. Pero alam kong... mali iyon.

"Ah ganoon ba, Apo? Kaya naman pala halos wala ka nang hilig dito sa swimming pool ng clubhouse ngayon. Pero kasi usapan namin ng Papa mo na buong summer kayo dito eh, siguro naman alam mo yun. Wala din naman mag aalaga sayo doon kasi busy ang Papa mo sa trabaho niya doon diba?" si Lola na hinahaplos ang buhok ko habang pinapaliwanag sakin na hindi talaga maganda ang iniisip ko sa summer na ito.

Tumango lamang ako nang marahan at umalis na si Lola doon upang kumuha nang meryenda. Sa huling Linggo ng Mayo ay nag serve akong muli sa simbahan at tuwang tuwa naman si Eli na nakauwi na ako kaya naman walang hanggan ang kwentuhan namin dahil na rin sa pagsasabi niya sakin ng mga nangyari sa simbahan habang wala ako.

"Umalis din sina Kuya Anton eh, pero ganoon naman lagi sila kapag summer, nagbabakasyon tapos babalik din dito. Baka sa June nandito na sila uli." sabi ni Eli habang iniinom ang juice ng tetra pack after ng sunday service.

Bumaha ang maraming isipin sa akin gaya na lang ng pag eenrol ni Nic. Pero syempre ay hindi ko puwedeng basta itanong iyon para kay Nic. Mahahalata naman ni Eli yun kaya maganda siguro kung palabasin ko na silang dalawa ang concern ko sa tanong na iyon.

"June pa sila babalik? Edi may pasok na nun? Paano sila nakakapag enrol?" hindi ko na napigilan ang sarili dahil sa kaalaman na gusto kong makuha bilang matagal na rin si Eli sa simbahan at nagbabakasakali akong alam niya nga dahil sabi niya ay madalas naman iyong gawin ng pamilya nina Nic.

Nilingon ako ni Eli at agad na ginulo ang buhok ko. Lokaret 'to akala siguro sakin aso ako?

"Ah yun ba? Tita ni Nic ang may-ari ng school na pinapasukan natin Alex, so wala talagang problema kahit pa mahuli sila ng pasok doon. Kahit di na sila mag enrol doon ng kagaya satin matik namang naka enrol na sila doon." nakangiting sabi ni Eli sakin.

Tita ni Nic ang may-ari ng school? Ang galing naman pala kung ganoon. Ngayon ko lang iyon nalaman ah! 

Matapos ang Sunday service namin ay agad din kaming umuwi ni Eli upang makapag handa sa pagpasok sa eskwela bukas. Sabi ni Eli nakapag enrol na raw siya sa kabilang baranggay for high school at ako naman ay naiwan na doon sa school namin para ipagpatuloy ko ang grade 5. Mayroon namang high school dito sa malapit pero sabi ni Eli mas gusto daw ng mommy niya doon sa kabila dahil malapit daw yun sa workplace ng mommy niya para sabay silang makauwi lagi.

Magulo ang buong school dahil sa mga students na may kasamang parents na naghahanap ng classroom nila. Ako wala akong kasama ngayong first day dahil nasa kanya kanya na ring eskwela ang mga kapatid ko. Ayos lang naman sakin dahil noong grade 3 ako, ako na din talaga ang nasanay na maghanap ng classroom ko.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now