XX

12 4 1
                                    

CHAPTER 20

Satisfied

Anong not so fast? Kailan ba niya balak ibalik ang hindi kanya?

"Ah, ibalik mo na sa akin ang panyo ko. K-kase ano-" there is my stuttering problem again kapag nariyan siya.

Lumingon ako sa mga kaibigan niyang nakaupo rin sa paligid niya. Everyone looks amused at our mini conversation. May mga taga ibang table din na nahihinto sa ginagawa nila at tumitingin sa table namin. Wala na akong pakialam sa itsura ko!

"Eh paano kung ayaw ko?" he smiled mockingly at me.

Naiinis na ako sa kanya ngayon!

"P-please." I croaked. He raised his brows at me and looked at his friends bago umiling.

"Sabihin mo nga sa akin kung saan mo naiwala itong 'panyo mo'? he gave too much emphasis on the last two words.

Ano nga ba ang sasabihin ko? Hindi ko alam kung saan ko ba iyon naiwala kasi nakarating ako ng tambayan, wala na sa bulsa ko yun. So probably sa library, sa hagdanan, sa quadrangle, sa gate, or puwede din sa hanging bridge. Hindi ko talaga alam kung saan nahulog iyon at nadampot niya.

"H-hindi ko maalala pero nakauwi n-na ako sa amin nung nalaman ko na n-nawawala yan." I said as a matter of fact.

His face lightened. Like there was a brillant idea that came out of nowhere.

"I'll help you remember, then." he smiled darkly. "Saan ka ba kasi galing?" mapanuya pa rin ang boses niya habang nakangiti sa akin ngunit ako ay hindi na talaga makangiti. Lalo sa tanong niya, parang tumagas na lahat ng dugo ko sa katawan dahil agad akong nanlamig doon sa kinatatayuan ko.

Napahawak ako sa lamesa nila bilang suporta. Titig na titig sakin ang mga kaibigan niya.

"S-sa library muna tapos-" hindi ko na natapos dahil tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sa gilid ko.

He towered over me at ang natatanaw ko nalang ngayon ay ang kanyang dibdib. Hindi ako makapag angat ng tingin dahil pakiramdam ko ay madudurog ako sa mga titig niya.

"Sa library? Nandoon din kami nung mga tropa ko nun. Anong ginawa mo sa library?" he leveled his face on me and still with all smiles.

I looked at him in his eyes. Bahala na talaga.

"N-nagpunta ako ng library to do my assignment and nothing more." medyo napataas na ang boses ko dahil sa pagkapikon.

"Assignment huh?" he stood properly.

"Y-yes."

"So what did you do after doing your assignment?" naupo na siya sa mismong lamesa kaya nagpantay na naman ang paningin namin.

"I- uhm. I started looking for books to b-borrow because I like to read at home. T-tapos uh." hirap na hirap akong idugtong ang naaalala kong kahihiyan. Pero this is my last straw kaya lulubus lubusin ko na para matapos na ang problema ko. I looked at him straight in his eyes.

"Tapos nakita ko kayong naghahalikan sa library nung babae mo." I said with full of conviction.

Humagalpak sa tawa ang mga kaibigan ni Nic kaya mas lalo akong naubusan ng dugo sa sobrang kahihiyan. Hindi ko na alam ang gagawin, sana lamunin nalang ako ng lupa!

"Nakita naman pala niyang nagla-live show kayo eh. Sino yun Nic? si Asha ba?" tumatawa ang Kuya ni Baby sa gilid ni Nic pero hindi siya pinansin ni Nic. So, Asha. That's the name of her girl at the library!

"You did that on purpose. You weren't searching for a book!" he fired at me.

Go Alex. Save yourself!

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now