VIII

10 3 4
                                    

CHAPTER 8

Better

Just like what I promised myself, I passed through the corridors looking at each classroom to satisfy myself from the bugging questions in my head. Alam ko makikita ko din si Nic kaya naman ng nag lunch break na ay agad akong lumabas para icheck ang bawat classroom habang di pa nakakalabas ang iba.

Tama nga ako, habang naglalakad ako sa hallway, may mangilan ngilang lumalabas pero alam kong di yun ang hinahanap ko. I concentrated more sa loob ng classrooms at minsang napapalingon sa kung sino mang lumalabas. But then nakatapos na ako sa pagcheck at nakalabas na ang lahat sa classrooms but I didn't see Nic.

This time, tears fell uncontrollably. The tears on my cheeks doesn't really want to stop from falling until I heard my name called by someone.

"Alex! Alex. Wait lang." tumakbo iyon palapit sakin kaya naman agad akong nagpunas ng pisngi ko. The guy who's coming from me was my classmate but I cannot seem to remember his name.

"Ah, bakit?" wala sa sarili kong sagot. I noticed how he catch his breath as he composed himself in front of me.

"Wala naman, tatanungin ko lang kung puwedeng sumabay mag lunch sayo!" maligayang boses ang meron ito at nakangiti pa sakin.

He's a bit taller and in tan shade compared to me who's tall but fair. He has pointed nose too and rounded expressive eyes. I smiled at him revealing the cute dimples I have. Hindi naman siguro masama magkaroon ng iba pang kaibigan bukod kay Eli. 

I am not that very friendly pero tignan ko pa din kung hanggang saan. Kasisimula pa lang ng school year at maganda siguro kung magkaroon ako kahit isa pang dagdag na kaibigan. I smiled at him and let the negative thoughts fade away.

"Oo ba. Tara." nauna na akong maglakad papuntang canteen para bumili ng pagkain at di ko na siya pinansin. I glanced behind me and there he is following me. Napansin ko pa na may kasenyasan siya sa malayo tapos tahimik na tumawa. Nagulat siya na nakatingin pala ako sa kanya kaya sumabay nalang siya sa gilid ko.

Nang makabili kami ng pagkain ay ako na ang naghanap ng spot namin. Syempre di kami naupo sa may tables ng canteen, doon ko siya giniya sa shade ng tree sa gilid ng canteen. Wala masyado tumatambay kaya tahimik.

"Ah ako si Zion! Di pa pala ako nagpakilala sayo." he said smiling and offering his hand. I looked at it for a second before I shook it with friendly manner.

"Alex. Kaklase kita diba?" di ko na napigilan.

"Oo. Sa likod mo lang ako nakaupo." sabi ni Zion na ngayon ay sumubo na ng biniling lunch.

Ginalaw ko na din ang pagkain ko and I offered him some kaya naman ginaya niya ako at nagshare nalang kami ng ulam doon sa shade ng tree na yun.

"Kaya pala pamilyar ka sakin eh. Di kasi ako matandain sa pangalan eh pero mabilis naman ako makatanda ng mukha." I said smiling at him.

"Okay lang ba Alex kung sayo na ako sasabay mag lunch palagi?" his eyes was glued on his food when he asked me that kaya naman napatingin din ako doon bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Oo naman. Wala pa naman akong kaibigan ngayon kaya okay lang." i said and continued eating. Naramdaman ko ang mabilis niyang paglingon sakin kaya naman napatingin din ako sa kanya. Gulat sa reaksyon niya.

"Oh? Ikaw? Walang kaibigan? Nako." may paninimbang sa boses niya kaya naman natawa ako.

"Oo. Di kasi ako friendly, Zion. Tignan mo ko sa mata. Sabi nila yung mata ko pang mataray kaya walang nakikipagclose." sabi ko at lalo pang siningkitan ang mata kaya natawa din si Zion sakin.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now