XXXVII

8 2 0
                                    

CHAPTER 37

Viral

The next day I woke up masyado pang maaga kaya naman nahiga lang ako sa kama ko at pinilit bumalik sa tulog kaya lang ay hindi na talaga ako makatulog. Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa oras na ito ng madaling araw ay naiisip ko si Nic.

Bumangon ako sa higaan at nag workout sa loob ng tatlumpung minuto para mawala sa isip ko si Nic ngunit naroon pa rin siya. Kinuha ko ang laptop at binuksan ko kung saang pahina ako nahinto sa tinatype ko sa thesis. Usually sa ganitong oras ako binabaha ng mga ideya pero mas nakakabanas pala na wala akong ibang maisip ngayon! Galit kong sinara iyon at bumagsak ako sa kama. Titig na titig ako sa ceiling ko na may mga glow in the dark stars and constellations.

Hindi ko na rin alam kung saan si Nic ngayon. Matagal na akong walang balita sa kanya dahil dito na ako sa Maynila nagpagamot at nagpatuloy sa pag-aaral. I took it as an advantage dahil gusto ko ring iwan ang Soledad dahil sa mapapait na memorya. Hindi ko akalain na darating pala ang panahon na hindi ko na gugustuhin pang bumalik doon.

"Nic, bakit hindi mo na ako pinapansin? Galit ka ba sakin? Bakit mo ako iniiwasan? Bakit? May nagawa ba akong mali? Itatama ko." Sunod sunod kong sabi sa kanya matapos ang ilang buwan na hindi namin pagpapansinan.

The curiosity made me grew impatient to ask what's going on between us. Hindi ko natiis dahil napakaraming tanong ang bumabagabag sa akin at hindi mawala sa isip ko ang huling masayang pagsasama namin. Naluluha akong lumuhod sa harapan niya. Nasa likod kami ng gym ngayon dahil dinala ako ni Nic rito dahil pinuntahan ko siya sa practice game nila ngayon ng mga varsity players.

"Alex, Alex. Wala. Wala kang ginawa." Hinawakan niya ako sa braso at dahan dahang iniangat. Nag unahang tumulo ang mga luha ko at hindi ko na magawang punasan iyon agad.

"Bakit mo ako iniiwasan? Hindi ko na kaya. Ayos naman tayo noong huling nagkita tayo. Alam ko wala naman ako sa lugar para umiyak at manghingi ng sagot pero bakit, Nic?" hinawakan ko siya sa kamay.

"Alex. Hindi mo naiintindihan." Umiiling si Nic sa akin.

"Ano ang hindi ko maintindihan? Ipaliwanag mo sa akin!" pagmamakaawa ko.

"Alex—" naputol ang salita ni Nic dahil umalingawngaw ang boses ni Kuya Cisco sa gilid namin. Parehas kaming napabaling kay Kuya Cisco na nakatayo at nakahalukipkip.

"Magkapatid kayo, Alex. Kapatid natin siya." Umalingawngaw ang boses ni Kuya Cisco sa amin. Gulat akong napalingon kay Nic at kita ko ang sakit sa mga mata niya. Nanlambot ang mga kamay kong nakahawak sa kanya at nanlambot ang tuhod ko. Sinalo ako ni Kuya Cisco.

"Alex. Makinig ka." Si Kuya Cisco na sinubukang magpaliwanag.

I yank my arms from him and I stormed out the scene. Mabilis akong tumakbo papasok sa gym hanggang makalabas ako papuntang soccerfield. Nanikip ang dibdib ko dahil sa sakit na dulot ng sinabi ni Kuya Cisco at galit kung bakit wala akong kaalam alam. Bakit hindi nila sinabi agad sa akin! Bakit nila itinago sa akin? Bakit sabi ni Kuya Eric hindi pa panahon para malaman iyon! Bakit hindi nila sinabi agad!

Gusto kong masuka sa sarili ko dahil nabaliw ako sa pagkakagusto ko sa... kapatid ko? Imposible! Gusto kong isipin na hindi totoo ang lahat pero bakit naman si Kuya Cisco pa ang magsasabi sa akin? Bakit naman ako lolokohin ng kapatid ko? 

Umikot ang mundo ko at unti unti ay nagdilim ang paningin ko. Nagising na lamang ako na nasa ospital na ako. Umiikot pa ang paningin ko nang hinanap ko kung sino ang maaaring kasama ko sa loob ng ospital pero sumibol sa akin ang galit at mabilis kong inialis ang nakakabit sa braso ko.

The Heartbeats Of Distant MelodiesKde žijí příběhy. Začni objevovat