IV

22 4 2
                                    

CHAPTER 4

Cute

Mabilis lang na lumipas ang mga araw noon at Marso na. Recognition na sa Thursday at Graduation na sa Friday. Kaunti na lang ang mga pumapasok na estudyante dahil nagkukumpleto na lamang ng mga requirements at nirerehearse na lamang ang mga graduating students. 

Ang mga Grade 6 students ay nagpapractice na buong week na iyon kaya naman kung hindi na nagtuturo ang mga teacher ay marami naman na kaming free time.

Natanaw ko ang stage at nakita ang mga dekorasyon niyon. Agad naman akong natuwa dahil magpupunta ako uli sa Recognition hindi para tumanggap ng parangal kundi upang manood. Nang matapos na ang klase ay sumabay na ako sa teacher ko upang lumabas ng classroom. Nang magpunta na siya sa Faculty room ay agad naman akong nagtungo sa usual spot ko.

Nakatambay akong muli sa 4th floor dahil wala nang mga estudyante ng ganitong oras sa palapag na iyon at kitang kita ko mula dito ang stage. Napako ang mga mata ko sa isang lalaking dumaan sa harap ng stage. Matangkad at malinis ang puting uniporme.

Si Nic yun suot ang uniform habang kumakain ng burgers na nabili sa canteen. Nakasukbit sa kaliwang balikat ang Jansport na bag at mabilis ang lakad nito at tinalunton ang malapit na gate. 

Agad akong bumaba sa hagdan at sumilip muli sa bintana sa taas ng waiting area. Doon niya inubos ang kinakain niyang burger bago nilapitan ng matangkad na lalaki na siguro ay driver nila. Palagi siyang sinusundo noon sa school pagtapos ng klase at sinasakay siya sa itim na mamahaling sasakyan.

Pinanood ko mula sa kinaroroonan ang pag alis ng sasakyan nila at halos mabuwal sa gulat ng dumating si Eli.

"Hoy, nandito ka na naman Alex. Sino bang tinitignan mo jan?" usisa ni Eli sakin.

Agad akong nag iwas ng tingin at tumakbo pababa ng hagdan. Hinabol naman ako ni Eli at humahangos itong nagtanong sa akin.

"Alex, teka, bakit?" nagtatanong ang mga mata nito.

"Wala nagpapahangin lang ako doon lagi alam mo naman sa mataas na lugar lang mahangin." pagdadahilan ko kay Eli upang tumigil na ito sa pag uusisa.

"Ah kaya pala andoon ka lagi." malawak na ngiti ni Eli ang nakita ko. Hinawi nito ang mahabang buhok sa balikat at isinuot nang maayos ang backpack. Tapos na yata ang practice nila kaya dala na niya ang backpack niya. Pero ang aga naman ata? Usually kasi 4pm natatapos ang rehearsals eh 3pm palang?

"Di ko tinapos ang rehearsal sa court. Aalis kami mamaya eh. Nagpaalam naman na ako at pumayag na si Ma'am Sunny." paliwanag nitong parang narinig ang mga tanong sa utak ko.

Hindi na ako sumagot at nag aya na lamang akong umuwi. Naghiwalay na kami ng daan ni Eli nang makalagpas kami sa hanging bridge. Sa kanang bahagi nakatira si Eli at sa kaliwa naman ako kaya nang naghiwalay kami nang daan ay nagmadali ako upang marating ang lake na tinatambayan ko.

Matapos ang isa at kalahating oras na paglalakad ay naupo akong muli sa ugat ng malaking puno sa harap ng boardwalk. Ang malamyos na hangin ang humalik sa balat ko at napapikit ako doon. Humiga ako habang pinagmamasdan ang langit na nagkukulay kahel ngunit matingkad na lumiliwanag.

Anong susuotin ko sa recognition day ni Nic sa huwebes? Hindi maalis sa isip ko ang nalalapit na Recognition kahit pa hindi naman ako ang tatanggap nang parangal. Mas marami sigurong matatanggap si Nic ngayon? Taon taon kasi madami nang dalawang medal ang naiuuwi niya. Ang dami niyang best sa mga subjects na tila di niya hinahayaan na tangayin nang iba ang award na iyon.

Grade 4 na kami pero hindi na talaga ako nagkakaroon ng chance na mapunta sa unang section kahit ano pang gustuhin ko. Masarap sigurong makatanggap ng mga parangal? Pagbubutihin ko nalang sa highschool para maging kaklase ko si Nic doon sa university dito sa Soledad. 

The Heartbeats Of Distant MelodiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin