XLIX

14 2 1
                                    

CHAPTER 49

Kiss

We left the restaurant at three thirty in the afternoon because the rain poured hard. We spent the time by talking a lot about how our lives went through the years we're apart but I haven't told him anything how I felt about him before. Not a single thing about it.

The orangey and pinkish skies filled my eyes when we went out of his car. The sky turned out to be so magnificent after the heavy rain. It's like reminding us that beautiful things await after a heavy rain. The wet grasses and muddy surface beneath the soles of our shoes seemed to be very happy catching our footprints. Here we are again, Mt. Iraya. Long time no see!

Payapa at tahimik. Dalawang magkaiba na salita ngunit parehas kong nadarama habang nakatunghay ako sa ganda ng tanawin. Tahimik ang paligid at wala akong ibang marinig kundi ang masayang puso ko na patuloy sa paglikha ng masasayang pagdadabog sa loob ko. Payapa ang nararamdaman ko habang katabi ko si Nic na pinagmamasdan rin ang ganda ng tanawin. Payapa kaming nalulunod sa kagandahan nito.

"I used to go here to relive the moments we had before." He looked at me smiling. I pursed my lips holding a small smile.

"Maganda pa rin itong tanawin na ito. Nakakamiss." Balik ko sa kanya.

"Namiss rin kitang kasama rito." His voice filled my ears. Tumango tango ako habang nag-iisip ng kung ano ano kagaya ng may nadala kaya siyang babae rito sa loob ng mga taon na hindi kami nagkasama?

"Bakit, ni isang beses ba hindi ka nagpunta rito na may kasama kang ibang babae?" inangat ko ang kamay ko sa ere at tinakpan ko ang langit na nakikita ko. Pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa kamay ko upang walain ang hiya sa sistema ko.

"Wala akong sinamang ibang babae rito, bukod sayo." Ikiniling niya ang ulo niya sa direksyon ko. Hindi ko napigilan ang pag ngiti at nakita niya iyon. He chuckled but he stopped imediately. He made a very comforting smile.

"Si Eli, bakit hindi mo sinama? Naengage kayo diba?" I asked out of curiosity.

"An engagement that happened without my consent? Hmm, I don't think that it deserved to witness a romantic place like this." He replied.

"Halika, may ipapakita ako sayo." Mabilis na bawi niya at hinatak niya ang kamay ko. Halos tumakbo ako sa paglalakad dahil sa malalaking hakbang niya. Nagtalsikan ang mga putik sa binti at damit ko.

Ano na namang ipapakita niya? Bakit mukhang lahat ng sinasabi niya ay pinapakitaan niya ng ebidensya?

"N-nic, yung putik tumatalsik sa damit ko, dahan dahan sa paglalakad." Sabi ko habang nagpapatianod sa kanya. Mabilis niya akong nilingon at mukha siyang namroblema nang makita na putik putik na nga ang binti ko. Nilapitan niya ako at mabilis na binuhat. Nanlaki ang mga mata ko nang lumutang ako sa ere at napakapit ako sa balikat niya.

"Kapit ka." Natatawang sabi niya at sumunod naman ako doon. Kumapit ako sa balikat niya at halos yakapin ko na siya sa takot kong mahulog. Mabagal na ang paglalakad niya ngayon bagay na hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ano.

I smelled his manly scent at napapikit ako doon. Mas lalo akong kumapit sa kanya dahil gustong gusto ko na ganito ako kalapit sa kanya ngayon.

"Gustong gusto kong ganito ka kalapit sakin ngayon, Alex." Bulong niya sa akin at agad akong napadilat. Tila naumid ang dila ko sa sinabi niya. Was I thinking out loud?

"Mas okay pala ang ganitong lapit kapag gising ka kaysa sa wala kang malay." Ngumisi siya sa akin. Napaawang ang labi ko sa magkahalong gulat at tuwa kaya tinampal ko ang dibdib niya ng ilang ulit. Tila musika ang pagkarinig ko ng halakhak niya, masyadong lalaki. Para akong nahihipnotismo.

The Heartbeats Of Distant MelodiesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ