XXXIV

11 2 0
                                    

CHAPTER 34

Soon

If there is a certain feeling that would describe how I feel right now, that would be indifference.

Nag angat ako ng tingin sa mga kapatid ko and unlike Kuya Eric's eyes, Kuya Anthony looked furious, Kuya Cisco is just looking outside. I breathed all the possible air that I could gather and I ran the hell out of our house.

They cannot just decide for me that way. I am still young, yes. But they could have just told me that last night. Alam ko walang kinalaman si Kuya Anthony at Kuya Cisco dahil sa hinuha ko ay ngayong umaga lang rin sinabi sa kanila iyon but either way, galit ako ngayon.

Madilim pa sa labas at ang lamig ng paligid ang bumalot sa balat ko. Tanging mga yabag ko at hiyaw ng mga kapatid ko ang naririnig ko. Wala akong ibang maisip na puntahan kaya hinayaan kong tumakbo ako sa isang hindi pamilyar na direksyon. Unti unti na akong nauubusan ng hininga hanggang may makita akong malaking puno sa di kalayuan, doon ako huminto upang huminga sandali at mas narinig ko ang papalapit na boses ng mga kapatid ko.

Dahan dahan akong umakyat sa puno nang di iniisip kung may kapre ba doon o anumang elemento basta ayoko lang magpahuli sa kanila. Nang makaakyat ako ay tinanaw ko sila sa pinanggalingan ko at naghiwa hiwalay sila sa iba't ibang direksyon. Nang mawala sila sa paningin ko ay nakahinga ako ng maluwag. Sumandal ako ng maayos sa puno at ipinikit ko ang mga mata ko. So much for this morning huh.

Nagising na lang ako sa sanga na tumutusok sa hita ko. Hinawi ko yun kahit pupungas pungas pa ngunit halos mahulog ako sa upuan nang may magsalita.

"So, is this your new hang out?" a low voice under the tree spoke. I gathered all my courage to look down to whoever that person is. Ready na talaga ko bumuga kaso nakita ko si... Nic. Namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya. Agad akong napatingin sa suot ko. Nakasoot pa ako ng pajamas ko na may print ng mukha ni stitch at spaghetti strap na kulay puti. Mas lalong nag init ang buong mukha ko sa halakhak niya.

"Wala ka bang balak bumaba riyan? Baka mahulog ka." He stepped near the foot of the tree.

"Ba-bababa ako. Umalis ka riyan." I said coldly. He chuckled and moved away. Dahan dahan kong inilaylay ang paa ko sa puno at tumalon pababa. Akma niya akong aalalayan pero nagawa ko ring kuhanin ang balanse ko. Nagpagpag ako agad ng kamay at ipinahid ko sa pajamas ko ang mga palad ko.

Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad papuntang direksyon ng bahay namin. Ilang sandali ay tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

"Bakit ka sumusunod?" iritadong tanong ko.

"Ihahatid kita. Para sigurado akong safe ka."

Gusto kong matuwa sa tinuran niya pero hindi ko yata kayang magdiwang ngayon lalo na at isa siya sa dahilan ng pag-aaway namin kagabi hanggang kaninang umaga ni Kuya Eric.

"Pumasok ka na, hindi pa ako uuwi." Umirap ako sa kanya at naglakad uli.

"Ayaw mo pang umuwi?" he asked calmly. As much as I don't want to answer his question, I think I cannot really go home just yet so I nodded at him slowly.

"Tara." Sabi niya at hinila ang kamay ko. Sa gulat ko ay napapitlag ako sa ginawa niya at binawi ko ang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?" luminga linga ako sa paligid at nakitang may malaking bahay na sa malapit. Hindi kaya, iyon ang bahay nila?

"Sa bahay." Maikling sagot niya. Agad lumipad ang mga palad ko sa aking bibig sa sobrang gulat. Never in my wildest dreams na makakapasok ako sa bahay nila. Siguro kung magnanakaw ako ay maaari, pero hindi ko talaga naisip ito sa tanang buhay ko.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now