XXVIII

7 3 0
                                    

CHAPTER 28

Okay

I cried in front of my brothers, all of their faces have the unexplainable look. Kahit saan ako tumingin hindi ko maintindihan ang nasa mukha nila. Kuya Cisco who always looks playful looks so stern now. Si Kuya Anthony na panay ang ngisi ay mukha nang galit ngayon, but Kuya Eric's face is a mixture of pain, absolute anger, and exhaustion. They all stood there quiet.

"What do I have to know?" I asked calmly but my eyes are now demanding for answers.

"Maupo muna tayo, Alex." Si Kuya Eric na ngayon ay huminahon na. Pilit niyang hinahawakan ang mga braso ko pero iniiwas ko iyon sa kanya.

I've never been so hysterical like this in front of my brothers. Ngayon lang.

"A-ano po ba ang hindi ko nalalaman, Kuya ha?" I cried more when I saw guilt in his face. It is just a confirmation that I really didn't know about that something.

"Hindi pa ito ang panahon na dapat mong malaman-" I heard Kuya's voice like if it's inside a cave. Unti unting nahalinhinan ng echo ang boses niya hanggang sa hindi ko na maintindihan. Everything became blurry until it went black.

The next thing I knew is that I am now inside my room and saw my Kuya Anthony and Kuya Cisco siting on a chair sa paanan ko. May pinagtatalunan silang dalawa na hindi ko maintindihan dahil sa mahinang boses pero nang makitang gumalaw ako ay agad silang nag unahan para puntahan ako.

"Kuya, si Alex gising na!" humiyaw si Kuya Cisco sa gilid ko. Si Kuya Anthony naman ay patuloy na hinahaplos ang buhok ko.

Pinilit kong umupo ngunit agad akong pinigil ng dalawang kapatid ko at siyang pagpasok ni Kuya Eric. My eyes welled in tears again as I saw my Kuya's face. Now I clearly remember the thing before I get to my bed now. My head spinned again and I tightly shut my eyes before opening it again.

"Kuya, anong kailangan kong malaman!" I forced myself to sit on my bed and looked at him.

"Mas mabuting magpahinga ka muna, Alex. Kanina ay bigla ka nalang nawalan nang malay at mainit ang buong katawan mo." mahinahong bulong ni Kuya Anthony sa akin.

"Hindi pwede. Sabihin nyo muna sa akin ang dapat kong malaman!" I demanded once more.

"Saka na Alex, bukas ay hindi ka papasok. Magpapa check up muna tayo sa bayan bukas." Kuya Eric said with much finality at tinalikuran na kami doon.

Nanlumo ako sa pag-alis ni Kuya Eric at napahawak sa aking noo. Totoo nga na mainit ako. Hindi ko maalala na masakit ang ulo ko kanina, at nilalagnat ako. Maayos pa ako kanina noong umuwi. Paano namang nilalagnat ako ngayon?

Kinabukasan ay ilang beses kong sinabi kay Kuya Eric na nilalagnat lang ako kaya ganoon ang nangyari kinagabihan. Kaya nakapasok ako sa eskwelahan ngayon. Yun nga lang ay hinatid nila akong tatlo sa school at sina Kuya Anthony at Kuya Cisco ay hanggang sa classroom ako hinatid dahil hindi raw sila mapapanatag na ganoon ang nangyari kahapon at pinilit ko pa ring pumasok ngayon.

Hinayaan ko lang sila. Nawala na din sa isip ko ang kagustuhan kong malaman ang nabitin na komprontasyon kahapon dahil palaging sinasabi ni Kuya Eric na hindi ako dapat makipaglapit kay Nic. Mag uusap raw kami kapag nakita niyang bumuti na ako.

I assured Kuya Eric na wala siyang dapat ipag alala dahil hindi naman kami malapit ni Nic. At nakuha ko na ang pakay ko kaya wala nang dahilan para magkita pa kami ni Nic.

"Kapag may naramdaman ka mamaya, Alex please tawagan mo ako sa number ng kaklase ko. Si Cindy." Inaabot ni Kuya Cisco ang cellphone niya sa akin.

"Sino si Cindy?" wala sa loob kong tanong habang nag aangat ng tingin sa dalawa kong kapatid na nakasandal sa hamba ng pinto ng classroom namin. Hindi makadaan ang mga kaklase ko sa labas.

The Heartbeats Of Distant MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon