XXII

8 4 0
                                    

CHAPTER 22

Next Time

Pagpasok ko sa backstage ay nagpalakpakan rin ang mga kasama kong contestants at ang iilan doon ay sinalubong ako. Nangiti naman ako sa kanila.

"Ang galing mo sobra!" sabi noong pang number 8 na contestant.

Tumango lamang ako sa kanya at tipid na ngumiti. Tinapik niya ang balikat ko bago siya bumalik sa upuan niya dahil pang number 8 siya. Tinawag na ang pang apat na contestant at nakatuon na ang pansin ng ibang contestants sa maliit na tv sa backstage.

"Pang broken hearted ang kanta mo. Na-broken hearted ka ata ah?" pabirong sinabi noong katabi kong lalaki. Siya iyong nagtanong kung mag gigitara raw ba ako. Ang first contestant.

"Hindi naman." tumawa rin ako sa kanya at napansin ko na parehas kami ng mga mata. May pagka chinito rin iyon pero hindi kasing tapang ng mga mata ko.

"Lexis." inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at tipid na ngumiti. Parang narinig ko na ang pangalan niya pero hindi ko lang maalala.

"Alex." nanlaki ang mata niya matapos kong sabihin ang pangalan ko.

"Parehas pala tayong may LEX sa pangalan. Saka diba ikaw yung Best Muse noong monday?" nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Natawa siya doon pero di ko naman nahanapan ng humor yun kaya yumuko ako inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpasok kay Felicity sa loob ng bag nito.

Sinundan naman niya ako habang palabas na ako sa exit ng backstage. Wala naman akong planong magtagal dahil alam kong hindi ko rin ikakapanalo ang contest na ito, kaya mabuti nang umalis at puntahan ko sina kuya.

"Oh, aalis ka na? Hindi pa tapos ah!" pigil ni Lexis sa akin.

"Hindi naman ako mananalo at ayaw ko rin manalo dahil napilit lang ako dito." tuloy pa rin ang lakad ko.

Nagitla ako dahil hinawakan niya ang palapulsuhan ko at mabilis akong napabaling sa kamay niyang nandoon.

"Ay, sorry." mabilis niyang binitawan ang braso ko nang nakita niyang nangunot ang noo ko.

"Hindi pa raw kasi tayo puwedeng umalis eh kasi aantayin pa raw iannounce ang winners. Kapag umalis na raw agad ay automatic disqualified." pagpapatuloy niya.

"Ayos lang." maikling sinabi ko at tumalikod muli ako sa kanya.

Agad kong tinalunton ang kinauupuan ng mga kapatid ko at gulat na gulat naman sila dahil nasa harap na nila ako agad.

"Oy, Alex hindi pa tapos, bumalik ka doon!" si Kuya Cisco na napatayo na pero pinipilit yumuko dahil takot itong maistorbo ang ilang manonood.

"Ayoko na Kuya, uwi na tayo." hinila ko ang kamay niya kaya naman si Kuya Anthony ay tinulak ako ng bahagya.

"Alex, nanonood pa kami. Bastos ka ba?" inis na inis ang itsura ni Kuya Anthony.

Kumakanta pa rin sa harap ang isang matangkad na babae. Maputi at may kulay itim na buhok. Ang malamyos na tinig niya ay dinig hanggang sulok ng auditorium. I bet, ito ang mananalo.

"Bumalik ka na muna Alex, mananalo ka pa rito diba?" si Kuya Eric na nginitian ako.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang bumalik sa loob ng backstage at ang malaking ngisi ni Lexis agad ang nakita ko. Sinalubong pa niya ako nang makita ako sa bukana ng backstage.

"Oh diba sabi sayo bawal pa umuwi eh." he raised his brow at me and smiled kaya nawala na ang mga mata nito dahil sa pagka singkit.

"Hindi, ayaw pa kasi umuwi ng mga kapatid ko, kaya bumalik ako." hinipan ko ang bangs ko sa sobrang irita at naupo muli ako sa upuan ko kanina. Sumunod naman siya sa akin pero hindi sa upuan niya. Nakatayo lang siya sa gilid ko.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now