XVII

11 4 0
                                    

CHAPTER 17

Contest

Dahil nga wala na akong kawala sa mga kapatid ay nagpatuloy lang ang pangungulit nila sa akin. Kukuha sana ako ng tubig sa loob dahil inuuhaw ako ngunit pinilit muna nila ako ng pinilit. Dapat raw ay tumugtog muna ako bago uminom. Oh come on!

"Pakinig lang naman. Sige na kahit hanggang chorus lang." pilit ni Kuya Anthony sakin.

Umiling pa rin ako at nagtinginan ang dalawa kong kapatid. It looks like they have a secret language. Napakamot ako sa ulo ko. Tumayo naman si Kuya Eric at bumalik na may dalang malamig na tubig para sa akin.

"Bakit may pinag aalayan ka ba ng kanta ha? Bakit dati naman pinaparinig mo samin?" si Kuya Anthony na ibinaba na ang tasa ng kape niya.

"H-huh? Wala kuya ah. Di ko lang sigurado kung maganda kaya nahihiya ako ngayon." I reasoned out.

"Sus. Siguro para sa boyfriend niya yan Kuya!" Kuya Cisco glared at me.

"Ano? May boyfriend ka na? Gusto mo bugbugin ko yun?" nagsabay sina Kuya Eric at Kuya Anthony sa pagsabi noon. Gusto kong matawa pero pinigil ko iyon dahil may kaunting kaba na sumibol sa akin.

Alam kong nagbibiro lang sila pero bahagya akong kinabahan na bubugbugin nila si.. I washed it away in my system at mabilis na umiling. Hindi ko naman siya boyfriend pero para sa kanya nga ang kanta na ito.

"I don't have a b-boyfriend Kuya!" I exclaimed and I saw his the corner of his mouth rose a bit.

"Make sure ha. Pag nalaman namin yan nako lagot samin yang lalaki na yan!" Kuya Anthony said proudly. heard Kuya Cisco chuckled a bit.

I nodded slowly and swallowed hard. Wala naman talaga akong boyfriend pero bakit kinabahan pa rin ako sa banta ni Kuya Anthony kahit naman alam kong nagbibiro lang siya.

"May singing contest sa intrams ah! Sali ka doon." si Kuya Cisco naman ngayon.

"Di naman ako magaling Kuya, mapapahiya lang ako doon." I said and rested my back on my chair.

"Anong hindi, ang galing galing mo ngang kumanta! Saka kahit hindi ka naman manalo nandoon kami nina Kuya Anthony, we will still cheer for you!" he shifted from his seat before glancing to Kuya Anthony who just nodded to show that he's seconding Kuya Cisco's opinion.

"Hindi naman talaga kuya, saka anong kakantahin ko doon? Nako nakakahiya yun panigurado!" I sounded problematic.

"Yang bagong inaral mo na kanta nalang! Kaya nga kinukulit kita para marinig namin ang piece mo!" Kuya Anthony spat and smirked at me.

"I-reregister kita doon sa Lunes. Sasali ka!" Kuya Cisco smiled at me. He wasn't asking for me, he sounded like he already have decided on it.

"Cisco." Kuya Eric trailed off.

"A-ayoko talaga Kuya! Saka nag muse ako sa Intrams eh kinuha po akong muse ng JHS team." mabilis kong sagot para di na nila kulitin sa singing contest sa intrams.

"Huh? Kailan ka naman sumali doon? Di mo man lang sinabi samin! Saka di kita nakita noong dry run nung friday ah!" si kuya Cisco na tuloy tuloy.

Well di ko rin naman siya nakita doon kahit na alam kong baka nasa bleachers sila ng mga kaklase niya noon ay hindi na rin ako nag abala na hanapin pa ang kahit na sinong kapatid ko doon. Masyado kasi akong preoccupied that time kaya naman hindi ko siya nakita doon.

"Nung nakaraan po ako sinali ni Asher doon eh saka napilitan lang din naman ako doon kasi sa lunes ang opening eh diba kaya hindi na rin ako nagkaroon ng chance na tumanggi." I said and looked away.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now