XXXVIII

7 2 0
                                    

CHAPTER 38

What If?

I replayed the video for three times and still I cannot get my shit together. Napailing iling ako nang makita kong sunod sunod ang pagdami ng likes and shares ng video ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. I immediately replied to her chat.

Me: Did you upload it?!

then I clicked send. I saw three dots moving and her message popped in.

Deb: Hindi no! Look at the quality of my video than that! Mas smooth naman ang akin no.

Then below her chat was a video! Sinend pa talaga niya yung kanya but when I compared it, tama nga siya.

Me: So sino pa ang nagvivideo noon maliban sayo at sa katabi mo kagabi?!

I sent a crying emoji because I really like to cry right now. Kung yung iba ay gustong sumikat, kabaligtaran naman ako. But the only thing that's keeping me sane is that no one mentioned me there. Mabuti nalang at hindi ako itinag ng kahit na sino sa post na iyon.

Deb: I don't know. Maraming nagvideo sayo kagabi eh!

Me: Why didn't you tell me, Deb! Dapat talaga hindi ako kumanta roon. Nakakahiya sobra!

Deb: Alam mo gurl, I really wanna praise the one who uploaded it kaso ayokong mag comment dahil baka makilala ako na ako yung kasama mo kagabi! You deserved to be heard! Ilang beses ko na ba sinabi sayo yan. Diba nga sabi ko sayo, naging fan mo na ako noong kumanta ka noong Intrams?

Eto na naman si Deb at inuungkat ang alaala sa Soledad.

Me: Come over. Kailangan kitang sabunutan ngayon sa mga sinasabi mo!

Deb: Hahahaha on my way!

I immediately went out of the bed after I read her last reply. I pushed aside the curtains and blinds of my window and the scorching sun touched me. Ang tagal ko palang nagbalik tanaw sa Soledad kanina?

I stared at my reflection in the mirror and I turned the aircondition off. I need to prepare bago ako datnan ni Deb na ganito ang itsura. Nagtungo ako agad sa washroom ng kwarto ko at naligo. I wore a typical pajama and a white spaghetti strap sando. I stared at my reflection and it made me remember something. It's like a dejavu.

I immediately prepared a breakfast for me and Deb at habang nagluluto ako sa kusina ay narinig ko agad ang doorbell sa pinto. I washed my hands first at ipinunas ko ang basa ng kamay ko sa suot kong pajamas habang naglalakad papunta sa pinto. 

Ang malaking ngisi ni Deb ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. She's wearing her typical shorts and a sports bra, sa kabilang balikat nya ay ang duffel bag niya. Mukhang galing siya sa gym.

"Makikiligo ako ah, tinatamad na akong umuwi eh!" she pushed me inside my unit and wet straight to the bathroom.

"Oo mapapaalis pa ba kita eh pumasok ka na riyan?" I said with sarcasm.

She laughed so hard inside and I finished cooking. Right after I placed all the foods on the table, tapos na rin siyang maligo at nagpupunas na siya ng buhok niya. Hindi na niya inantay na ayain ko siya dahil pabagsak na siyang naupo sa upuan sa dining area ko.

"Alam mo ba kung paano ma turn down yung video na yun?" I asked her.

"Honestly, hindi. At ayaw ko rin." Ngumisi siya sa akin at napa simangot ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at umambang sasabunutan siya pero agad niya akong sinalag habang tumatawa tawa.

"Okay, okay fine. Kakausapin ko nalang siguro iyong nagpost para i turn down yung video." She said nonchalantly.

"Paano kung ayaw niya?" I sat on my chair.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now