Special Chapter

2.8K 72 4
                                    

"Christian! Come back here!" Sigaw ni Beya.

Natawa na lang ako nang tumakbo ang panganay na anak ni Beya kay Chris para takasan ang ina. Napasapo si Beya sa sariling noo dahil sa konsumisyon.

"Palagi na lang ganyan iyan! Palibhasa, kakampi ang ama pagdating sa mga bagay bagay." Napapailing na sabi ni Beya.

"Mabuti nga itong si Kate at masunurin ang mga anak. Iyong mga anak ko, sakit sa ulo!" Sapaw ni Helena.

Pinanood kong mag-away ang kambal na anak ni Helena. Nakahalukipkip naman na nanonood ang panganay na anak ni Helena at sinusubukang patigilin ang dalawang nakababatang kapatid, pero walang tumitigil.

"Why did you punch him? Dad said that punching someone is a sin!" Sabi ni Hailey. Ang kambal na babaeng anak ni Helena.

"He deserves that for trying to touch you! Dad said, no boyfriend until you're thirty!" Balik na sigaw ni Ravleigh. Ang kambal na lalaking anak ni Helena.

"My god!" Hailey exclaimed. "He's just being friendly, kuya!" She groaned. "Kuya Vincent!" Hingi ng tulong ni Hailey sa nakakatandang kapatid.

Tumaas ang kilay nito. "No guy deserves to live if they touched you, princess." Kampi nito kay Ravleigh.

Walang nagawa si Hailey kung hindi ang magsumbong kay Helena na nasa tabi ko. Inalo niya naman ang bunsong anak at nag-iisang babae sa pamilya nila bukod sa kaniya.

"Mom." Napalingon ako sa tumawag.

Hinalikan ako sa pisngi ni Draco Raven, at sumunod naman si Drave Rozen. My first borns. Nalaman namin na kambal ang dinadala ko makalipas ang limang buwan ng pagbubuntis ko sa kanila noon. Dalawang lalaki agad matapos ng una kong pagbubuntis.

Draco Raven Samaniego and Drave Rozen Samaniego are not identical twins. They both have Dreyco's eyes and nose but they got my hair and lips. Draco's eyes are a little bit lighter, almost the same color as mine, than Drave's, and Drave's hair is lighter than Draco's. Medyo brownish ang buhok ni Draco habang almost blonde naman ang kay Drave.

"Mommy!" Sigaw ng batang boses.

Sinalubong ako ng yakap ni Gabriell Kite III. Natatawa na kinarga ko siya at pinugpog ng halik. "Hey there, big guy." Kiliti ko sa anak.

I got pregnant again after seven years of my last pregnancy with my first twin, and still a boy. I named him after the male version of Dad's name, but Gab's son also has the same name so I put 'the third' on the last part of my son's name.

He looked exactly like me. Para siyang si Dad pero iba nga lang ang mata dahil nakuha niya ang mata ni Dreyco. Pinahaba ko ang tuktok na bahagi ng buhok niya kaya naka top knot ito ngayon at maikli naman ang gupit ng magkabilang gilid at konting parte sa bandang batok.

"Mommy, put me down! I'm eight years old already!" Amok ng pangatlong anak ko.

I chuckled and put him down. "You're still Mommy's baby, Tres." Tawag ko sa nickname niya.

"Momma!" Sigaw ng pamilyar na cute na boses.

Sinalubong ko ang paparating na si Dreyco na karga ang dalawang taon naming bunsong anak na babae. Hindi ko inaasahan na mabubuntis pa ako sa edad ko noong ipinagbuntis ko si Katalia Dreya. Blessing in disguise na suitable pa ako sa pagbubuntis kahit nasa forty na ako.

Kamukhang kamukha ni Reya si Dreyco pero nakuha nito ang mata ko. Her doll eyes are almost golden and her hair is so black. Maputi siya at matangos ang ilong na parang kay Dreyco, at manipis ang namumulang labi nito. Her cheeks look so fluffy and blushing, and she have her bangs that is additional in her cuteness. Mukha siyang manika na buhay kaya naman tuwang tuwa ang lahat sa kaniya.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now