45

3K 52 1
                                    

WARNING: MATURED CONTENT AHEAD.
READ ON YOUR OWN RISK

┈┈┈┈┈┈┈┈

Silence. Iyan lang ang pumupuno sa tenga ko simula nung umuwi kami mula sa islang iyon. Hindi niya talaga ako kinausap magmula kanina at natatakot din naman akong kausapin siya dahil baka singhalan niya na naman ako katulad nung nasa yatch kami. Dumeretso ako sa kwarto habang siya ay hindi ko alam kung saan pumunta. Sa buong pananatili ko dito hindi ko alam kung saang kwarto siya tumutuloy at kung anong ginagawa niya tuwing nagkukulong ako sa kwarto.

Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pambahay. Hindi ako mapakali habang nasa kwarto. Ilang sandali pa at tinawag na nga ako para kumain. Kabadong bumaba ako sa dining area at nakitang nasa kabisera na si Dreyco. Naramdaman niya yata ang pagdating ko dahil saka lang siya nagsimulang kumain nang makalapit ako. Umupo ako sa gilid niya at nagsimulang kumain.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag na hindi ko naman talaga balak tumakas ng ganon. Sinubukan ko lang tawagan si Dad para kumpirmahin lahat ng kaguluhan sa utak ko pero hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari. Wala naman akong mapapala kung tatakasan ko siya sa isla na iyon dahil wala naman akong pupuntahan.

Sinulyapan ko siya na sobrang seryosong kumakain. Talaga galit siya dahil hindi man lang niya ako sinulyapan ng tingin sa buong tanghalian namin. Kadalasan kasi nakatitig siya sa akin habang kumakain kami at minsan ding nagtatanong.

I sighed and decided to apologize. "I just want to say--"

Bigla siyang tumayo.

"Take a rest." Malamig na sabi niya bago ako nilayasan sa komedor.

Napanganga na lang ako sa ugaling pinakita niya. Did he just cut me off and walk out like a king?

Hindi tuloy ako mapakali habang nakatunganga sa kwarto. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko.

Dumating ang hapunan pero hindi pa rin ako nakakapag-isip ng gagawin ko. Kinakabahan akong bumaba at kumain at katulad nang inaasahan, hindi nga niya ako kinausap.

"Dreyco-"

"I'm done." Tumayo siya matapos uminom ng tubig.

Bigla akong nakaramdam ng iritasyon sa ginawa niya. Agad kong tinapos ang pagkain ko at hinabol siya na umaakyat na papunta sa kung saan.

"Dreyco!" Tawag ko pero hindi siya lumingon.

Mabilis kong tinakbo ang hagdanan hanggang sa maabutan ko siya. Hinaklit ko ang braso niya paharap sa akin.

"Why are you being so hard?!" I frustratedly asked.

Pinukulan niya ako ng malamig na tingin. "I want to ask you the same question."

Natahimik ako. Dahil sa katahimikan ko ay umakto siyang aalis ulit pero hinila ko pabalik ang braso niya at nagpatinod naman siya.

"I'm sorry." I bit my lower lip. "I didn't mean to leave-"

"You ran away, Katelian. Don't fuck me with that alibi." Hinawi niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya.

"I'm not leaving! I just want to talk to my Dad-"

"Then why don't you just ask me about it?"

"How can I ask you when you're the one who captivated me here-"

"That doesn't mean I won't allow you to communicate with your father, Katelian!"

Yeah, right. My fault again. "Aba malay ko ba--"

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now