19

1.9K 36 0
                                    

I was silent the whole time we're celebrating. Masaya ang lahat dahil nanalo kami at pasok kami sa semi-finals at final game. Ako lang yata ang hindi masaya dito dahil bukod sa wala akong kausap, iniisip ko pa rin si Dreyco kaya hindi ako nag-eenjoy.

I saw Coach walking towards me.

"Do you have any appointments on weekends? Magpapasama sana ako tomorrow, for the masquerade ball this Sunday. I need to buy some stuff in the mall then I'll treat you to dinner." Bungad niya bago umupo sa tabi ko.

Bigla kong naalala ang ball na tinutukoy ni Kaizer na gaganapin daw sa Sunday. Is it the same ball that she'll attend?

Kinakabahan ako. "W-What ball?"

Kumunot ang noo niya. "You haven't heard about it? The Finesta! The annual ball every second week of February. February 14 to be exact. Our family is one of the guest."

Nanlamig ako. Parehas ngang event ang pupuntahan namin sa Sunday!

But she mentioned about masquerade, right? So I can still hide my face! Saka siguradong maraming tao sa ball kaya imposible na magkasalubong kami!

"Hey. You'll come with me, right? Wala naman tayong practice for this weekend kaya wala ka ring gagawin sa apartment mo. Might as well come with me!"

Sinimangutan ko siya. Nagtatanong siya nung una tapos sabay switch sa pagdedesisyon na sasama ako kahit hindi pa ako nagsasalita! I scoffed. Very well.

"May magagawa pa ba ako? Mukhang hindi mo din naman ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag. You better treat me something delicious!" Tanging sabi ko nalang na mas ikinangiti niya.

Natapos ang selebrasyon bandang alas dos ng hapon. Agad akong nagpahatid sa apartment dahil gusto ko ng magpahinga. Pakiramdam ko drained ako kahit hindi naman ako masyadong pagod!

Nakatulog ako ng maaga, so nagising din ako ng maaga. Pagtapos mag agahan ginawa ko ang lahat ng project at assignments na kailangang ipasa ngayong finals, at natapos ako mga bandang alas dies na umaga. Naghanda na ako para sa pag-alis namin ni Coach. She said she'll pick me up at exactly one in the afternoon.

Wearing a black tank top, low waisted denim ripped jeans and black loafers shoes, lumabas ako ng apartment na tanging dala lang ay cellphone at denim jacket. May dala din akong pocket money in case na may maisipan akong bilhin.

Nakita ko kaagad ang kotse ni Coach sa harap ng building nang makalabas ako. Bumusina siya bago ibinaba ang window sa driver seat. Pinasadahan niya ako ng tingin at nginitian ng mapang-asar.

"You look sexy as hell, Katelian. Kanino ka ba nagpapaganda?" 'Yan ang bungad niya sa akin ng makalapit ako.

"Matagal na akong maganda, nagtanong ka pa." I smirked.

Bumungisngis siya at pinanood akong pumasok sa passenger seat ng sasakyan.

"Seriously, you look good!"

"Look at the mirror and tell me who looks good today." Banat ko pabalik na tinawanan niya lang.

She looks like a model with her red ribbed lace-up tube top, black wide leg pants, red stilletto, and black clutch bag! Para siyang rarampa bilang isang modelo ng international brand!

Nakarating kami ng mall makalipas ng ilang minuto.

Wala pa kaming isang oras sa mall pinagsisihan ko na agad na sumama ako!

Kulang na lang pasukin niya lahat ng shop na makikita namin, at bumili ng tig-iisang items doon! We literally roam around the entire mall! Kaya grabe ang pagod ko nang ihatid niya ako pauwi!

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now