2

3.2K 58 1
                                    

Para akong tanga na naglalakad sa gitna ng hallway habang paulit ulit na sinisisi ang sarili sa nangyari noong Friday. Nagising ako nitong Sabado na may hangover at saka ko naproseso ang lahat. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahit dalawang araw na ang lumipas dahil Monday na ulit ngayon. Ilang beses kong kinurot ang sarili ko sa sobrang kahihiyan.

Biglang may umakbay sa akin. "Hey."

I smiled when I saw one of my friends here in the campus.

"Hey, Jewel." Bati ko pabalik.

She grinned and cling on my arms. "Tara sabay na tayo pumunta sa room. Parehas naman tayo ng section kaya parehas din tayo ng daan."

I chuckled and let her pull me towards our classroom. Ang aga aga puno agad ng energy itong si Jewel nang bitawan niya ako at dahan dahang lumapit kay Krisha na isa rin sa kaibigan ko dito sa room. Katabi niya si Marie na nakayukyok sa gilid kaya pumwesto si Jewel sa likod ng upuan nila para gulatin ang dalawa.

"BOOO!"

Napabangon si Marie sa gulat habang kaswal lang na tinignan ni Krisha si Jewel.

"Nakakagulat yon?" Sarkastikong sabi ni Krisha.

Napanguso si Jewel. "Kainis ka, panira ka naman ng trip!"

"Mas okay na hindi siya nagulat. Masakit sa tenga ang mura niya." Sabat naman ni Marie.

Tinampal ni Krisha ang nguso ni Jewel kaya mas lalong sumama ang mukha nito. Tumawa ako at umupo sa tabi ni Marie

"Para 'tong tanga. Paano ako magugulat, e palagi mo akong ginaganon! Syempre sanay na ako!" Krisha hissed

I chuckled. "Ang harsh!" Sabat ko.

Jewel Roman, Krisha Quebral, and Marie Garcia. Sila ang tinuturing ko na pinakamatalik kong kaibigan dito sa school. They're my friends since high school so we've been together for years now.

Kinalabit ako ni Marie. "May assignments ka na ba? Lagot ka kay Ms. Eva kapag wala."

"Nakalimutan mo ba na paglabas ni Ma'am, ginawa ko na yung assignment? Parang hindi mo naman ako kilala. Alam mong hangga't maaari hindi ako nag-uuwi ng assignments or kahit anong gawain mula school." I pointed out.

Cause for me whatever happen in school either assignments, activity, or projects in school, stays in school.

"Kumusta na? Hindi mo pa rin ba ma-contact si mother Cecil?" Krisha suddenly brought up.

"Still nothing." I plainly said.

About that, I'm an orphan that's why. Wala akong kinilalang kamag-anak maliban sa mga madre na nag-aalaga sa akin sa orphanage. No one wants to adopt me so I stayed in the orphanage until I reached twelve and I was forced to live by myself.

I was considered scholar but after I finished my tenth grade, someone paid for my tuition in senior high school anonymously. So I tried contacting our head mother in the orphanage which is mother Cecil to ask about it but I wasn't able to connect with her again.

"Basta sabihan mo lang kami kapag may problema, okay?"

Nginitian ko si Marie. "Oo naman."

I know they're just concern about me because I'm living alone in an apartment near our school. I feel left alone and sad but I can't give up just because of that.

"What about the mysterious package you received? Hindi talaga maibalik sa nagbigay?" Tanong naman ni Jewel this time.

Now, that's the thing that I need to figure out. I received a black card under my name through that package but I never touched it. I also have condominium and a car under my name and because I'm afraid to check in myself, sinamahan ako ni Marie at Jewel sa sinabing address kung nasaan ang unit at kotse. I was so shocked to see that the unit under my name is extravagant as well as the car!

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now