25

1.9K 50 3
                                    

Nagsimula na ang laban nang magserve ang kung sinong server namin.

I trust my team skills. Alam kong ibibigay nila ang best nila lalo na't nakikita ko ang pag-asa sa mukha nilang lahat.

I analyze my teammates' condition. Lahat sila hindi na gaanong pwedeng magtuloy tuloy sa service.

I think only Jenny can close the point gap between CHU and our team. Siya na lang itong sa tingin kong kaya pang magserve ng magserve.

Mabuti na lang at siya na ang susunod na server pagtapos ng server namin ngayon.

The serve went well. Nasalo ito ng kabila kaya humanda kami sa pagreceive. They received it nicely. I'm sure they will aim for the kill. And as much as I wanna go for block, I have other plans.

Kaya naman sinulyapan ko ang katabi kong nasa zone 3.

"Don't block it!" Sigaw ko sa kaniya.

Gulat silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Maging ang kabilang team na nakarinig ay nagulat din pero wala akong pakialam sa kanila ngayon. Tinignan ako ni Lucy na katabi kong setter, na siya ring nagpresenta na maging setter ko noong hinamon ko sila Jenny, at sinenyasan siya na sumunod na lang.

She nod. "Okay!"

Jenny hesitated since she's a middle blocker, but I stare at her sharply. Umiwas lang siya ng tingin sa akin pero nagrelax stance siya, hindi na jumping stance kaya lihim akong napangiti.

Sa kaniya kasi ako nagdadalawang isip kung susundin niya ako. Buti na lang ay nakinig siya.

"Don't receive their attack!"

I know it looks like I'm throwing the game. But still, they trust me, and that trust made my will to win this game stronger.

We may not be close to each other but we still trust one another when it comes to play like this, especially in crucial part of the game.

I have my reason why I want them to let the other team score.

Ayon sa nakikita ko, hindi na kayang pumalo ng server. Kapag maayos ang naging service niya at sa amin ang puntos, maaaring magfail na ang mga susunod na palo niya at hindi ko pwedeng i-risk ang bagay na iyon. We'll lose if we let them have another point out of my plan.

My plan is to let my team survive until I have my hand to the ball. Baka magcollapse na sa pagod ang mga kateam ko kung hahayaan ko pa sila sa play nila. They still need to receive every service of the other team until I become the server.

Dahil four points lang kami, I want to close the scores between us before I serve. Meaning, I need them to survive every attack that the other team will send to us until my turn.

I'm planning to call time out after this when it's the other team's time to serve.

Trisha spiked the ball and I watch it land on the floor, adding up to their score.

Imbis na matuwa sila sa mabilis na goal ay mas lalo silang nagalit sa amin dahil walang kahit sino ang gumalaw para magreceive or magblock ng tira na iyon.

They heard my order, aasa pa ba sila?

Binalingan ako ng kaharap ko na kanina pa putak ng putak.

"You, bitch!"

I smirked. "Para kang manok na nagulat. Ang ingay ingay mo." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Urgh, fuck you!"

Natutuwang pinanood ko siya na magmura sa sobrang inis. Bago pa sila sumabog ay binalingan ko si Coach Yna at sinenyasan na humingi siya ng time out. Tumango naman agad siya at humingi ng time out sa commitee.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt