38

1.9K 40 5
                                    

First day of school. Hinatid ako ni Dreyco sa Zahara dahil doon ako natulog sa penthouse niya kasi sinaraduhan ako kagabi sa apartment.  Pinagtitinginan tuloy ako dahil lumabas ako sa kotse at gumawa pa ng eksena si Dreyco sa pamamagitan ng paghalik sa noo ko sa harap ng maraming estudyante.

Nagulat ako ng may sumundot sa tagiliran ko. Marie smirked playfully.

"Hoy! Ano 'yong naririnig ko? May kasama ka daw lalaki tapos hinalikan ka sa noo? Sino 'yon? Boyfriend mo?"

Tumaas ang kilay ko nang makitang hanggang balikat na lang ang buhok niyang dati ay hanggang bewang, at kulay light brown iyon na straight. Mas pumuti at gumanda siya sa ayos niya ngayon.

"Anong meron at nagpaikli ka ng buhok? Huwag mong sabihin na heart broken ka?" I joked. Natigilan siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "The hell? Totoo?!"

Walang imik na nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa unang magiging klase namin ngayong araw. Una kong napansin ang ingay ng mga kaklase ko pero nangingibabaw ang tudyuan na hindi ko alam kung sino ang sentro.

"Kayo rin pala ang magkakatuluyan!." Halakhak ng babae naming kaklase.

"Nice! Tatahi-tahimik pero matinik!" Asar ng isang lalaki.

Napahinto ako ng makita ang komusyon. Napapalibutan ng karamihan ang unahang parte ng room at ang pinagkakaguluhan ay si Russell at si Wendy. Nakalingkis si Wendy kay Russell na nakangisi lang sa lahat. Nilingon ko si Marie na nakatingin din sa dalawa. Walang siyang emosyon na nakatingin sa harapan. I saw pain and anger in her eyes while looking at them. Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto kung bakit siya nagkakaganito.

"Let's talk later." Sinabi ko at hinawakan siya sa siko.

Giniya ko siya paupo sa gilid at tinabihan. Tahimik lang siya habang tulala at blangkong nakatingin sa kawalan. Nasasaktan ako na makita siyang ganito pero wala akong magagawa kung hindi manatili sa tabi niya at makinig bilang kaibigan.

"Come on, don't be like that." Pinisil ko ang kamay niya.

I started to tell her my vacation to divert her attention from those two. Hindi ko alam ang nangyari pero nasisiguro ko na nasasaktan siya ngayon. All I know is that she has liked Russell for a long time and I'm sure it pains her to know that he's already taken.

Sumapit ang lunch kaya pumunta na kaming Cafè para bumili ng pagkain. Wala ang dalawa dahil bukas pa ang uwi nila mula sa ibang bansa kaya kami lang ni Marie ang magkasama. Matapos bumili, inaya ako siya sa music room kung saan madalas walang tao at siguradong pribado kaming makakapag-usap.

"He fooled me." Panimula ni Marie matapos naming kumain ng binili naming lunch sa Cafè.

"What?!"

Tumulo ang butil ng luha sa mata niya. "Gago siya! Alam niya siguro na crush ko siya kaya niligawan niya ako bago magbakasyon. I said yes to him but a week after, I learned that he was courting Wendy." She cried.

I hug her tight. Gusto kong sapakin si Russell kung pwede lang. How can he do that!

"Shh..." Pagpapatahan ko sa kaniya. "He's not worth your tears, Marie. Don't cry for that kind of man. He's an asshole! How can he hurt someone as precious as you?" Pagpapagaan ko ng loob niya. "Hayaan mo na siya. You'll find a person way more better than him, don't worry."

Tumahan din naman siya makalipas ng ilang minuto pero nanatili kami sa music room hanggang sa matapos ang lunch time. Mabilis na lumipas ang araw at walang araw na hindi ako pumupunta sa penthouse ni Dreyco para tumambay. Pinapanood ko lang siyang gawin ang trabaho na binibigay ni Tito sa kaniya pagtapos ko siyang lutuan ng pagkain.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon