21

1.9K 39 0
                                    

"That's impossible! W-We just met! I-I... I'm—"

"Tss. You don't need to lie, Katelian."

My eyes widen. I just went all speechless 'cause honestly, I don't know how to react or what to say. Akala ko sapat na ang maskara at make up na meron ako para hindi niya ako makilala! How!?

"P-Paanong..."

"The birthmark, baby. This." Napasinghap ako ng haplusin niya ang birthmark ko sa balikat.

Since when did he see my birthmark?!

It looks like a fade cresent moon. Malabo iyon at halos hindi na makikita kung hindi mo tititigan sa malapitan. Hindi ko naiisip na makikilala niya ako dahil doon!

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang umusod siya palapit sa akin, dahilan para mawala ang espasyo sa pagitan namin kanina.

"I have a hint when I saw you enter the hall. So I followed you here to confirm it."

"Fine." Bumuntong hininga ako.

There's no point of lying to him. Hindi ko inaasahan na napansin niya ang birthmark ko na iilan lang naman ang my alam. Halos kasing kulay na kasi 'yon ng balat ko kaya hindi halata, tapos madalas pang natatakpan ng damit kasi nasa bandang dulo 'yon ng collarbone ko.

"You're with a royal family."

Nilingon ko siya at tumango. Nakatingin lang din siya sa akin.

"Unfortunately, yes." Tamad na sagot ko.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin matapos ng sinabi ko. Unlike with Kaizer, I can't feel any awkwardness even in silence with him. Mas nakakaantok nga lang ang katahimikan lalo na at ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. It comforts me for uncertain reason.

Dumako ang mata ko sa maliwanag na entrada ng hall kung saan nagkakasiyahan ang tao. Naisip ko ang mga kasama niya. I'm sure he's with his family or friends.

"Baka hinahanap ka na sa loob." Wala sa sariling sinabi ko.

He's an important person. A heir. Siguradong hinahanap na siya sa loob dahil isa siya sa bigating tagapagmana na imbitado. Imposible na walang may gustong kumausap sa kaniya sa loob.

"I like it here more."

Tinignan ko siya. He's watching at me intently. Sinubukan kong makipaglaban ng tingin sa kaniya pero agad din akong umiwas dahil sa intensidad ng paraan ng pagtingin niya sa akin. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

"T-That's not enough reason to ditch socializing..."

"Huwag mo akong paalisin."

Namilog ang mata ko. "Hindi kita pinapaalis!"

"Then I'm staying here."

Nag-isang linya ang labi ko. Okay, fine. If he wants to stay, so be it! Baka gusto niya din talaga magpahangin, katulad ko. He won't stay just because I'm here, right? Hindi ako ang rason niya kaya hindi pa siya pumapasok sa loob, 'di ba?

"O-Okay. Then, papasok na ako..."

"Sabay na tayo." He stood up.

Nanatili akong nakaupo.

"Maya-maya na pala..."

"Alright. Ako din, maya maya na."

Damn it.

Tumahimik ako. I just confirmed something.

"By the way, you look extra beautiful tonight."

That caught me off guard.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon