Epilogue

3.3K 56 5
                                    

Mabilis ang naging paghahanda para sa kasal dahil ayokong maglakad sa altar na sobrang laki na ng tiyan. January eight ang napagkasunduang araw kaya naman puspusan ang paghahanda para sa engrandeng kasal namin ni Dreyco.

Nakasimangot ako habang pinapanood silang nagtutulungan sa pagsisindi ng fireworks sa bakuran ng mansyon ng mga Samaniego. Hindi ako pwedeng makisali sa kanila dahil buntis ako at hindi magandang makalanghap ako ng usok.

"Stop pouting." Hinalikan ako ni Dreyco sa labi.

Mas lalo akong sumimangot. "I want to watch the fireworks display." Naluluha na demand ko.

Napabuntong hininga siya at hinila ako papunta sa second floor ng bahay nila. Pumasok kami sa kwarto niya at dumeretso papunta sa balkonahe ng kwarto niya kung saan pwedeng panoorin ang firework display pero naghanda muna siya ng medyo basang tela pangtakip sa ilong ko.

Sobrang ganda ng fireworks display lalo na at malapit kami sa sentro ng syudad kung saan may pasiklaban ang kaniya kaniyang building sa pagandahan ng fireworks display. Tuwang tuwa ako at hindi na pinansin si Dreyco sa likod ko.

"Come inside now." Aya niya nang matapos ang pinapanood namin.

Binitawan ko ang basang tela at pinulupot ang braso sa leeg niya. Napailing siya at binuhat ako papasok sa loob ng kwarto dahil alam niyang nagpapabuhat ako kapag ganon ang inaakto ko. Tinatamad kasi akong maglakad at inaantok din ako kahit natulog naman ako buong hapon kanina.

Umupo siya sa dulo ng kama habang nasa ibabaw ako ng hita niya. Hindi ko binitawan ang yakap ko sa leeg niya at sinubsob ang sarili sa leeg niya para samyuhin ang mabango at panlalaki niyang amoy. Gustong gusto ko talaga siyang inaamoy tuwing malapit kami sa isa't isa.

He groaned. "Babe, stop doing that or we'll end up making love in exactly the new year." Humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

Napangiti ako. "You're insatiable." Natatawang sabi ko sa kanya at umahon mula sa pagkakayakap sa kaniya.

Tinitigan niya ako. "It's your fault. I can't resist you." Taas kilay na sabi niya.

Natawa ako. "Baby, it's not my fault that you didn't had sex for twelve years." Tudyo ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinahalakhak ko. Nalaman ko kasi na walang kahit sinong babae ang dumaan sa buhay niya sa buong taon na hindi niya ako kasama maging noong maayos pa kami. Huling sex niya noong hindi pa kami magkakilala kaya naman halos labing tatlong taon na siyang tigang.

Kinagat niya ng marahan ang balikat ko. "Shut up." Pikon na sabi niya.

Tumigil ako sa pagtawa pero nakangiti pa rin ako. Sumama tuloy ang timpla niya dahil sa pang-aasar ko kaya sinimulan ko siyang lambingin para bumawi. "Of course... I love you more because of that." Pangbabawi ko. "Thank you for waiting for years, baby." Paglalambing ko.

Namunghay ang mata niya habang nakatitig sa akin. I kissed him a peck in his neck, jaw, cheek, forehead, and lips. Mas lalong namunghay ang mga mata niya dahil doon.

"And besides," My lips formed a seductive smile. "I love it when you own me in bed, my love..."


Hinampas ko siya matapos ang ilang beses na mainit na sandali sa pagitan namin. Nakahiga kami sa kama ngayon at walang saplot samantalang bagong taon at dapat nakikisalo kami sa handaan sa ibaba!

"I can't believe you!" Pinandilatan ko siya. "Baka nakakalimutan mo na buntis ako at bawal akong mapuyat?"

He smirked. "You love my way of making you stay late at night, baby. You were shouting--"

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now