8

2.1K 52 0
                                    

Kaizer was also my schoolmate when I was in high school. We met because both of us was featured on on the school paper. Ako sa sports page habang siya ang nasa main page dahil sa achievements niya. We did collaboration in many interviews and projects for the whole semester. He was snob but we were casual with each other.

When one day, it just happened. We just found ourselves making out on the small stockroom of the journalism office. And I blame all of that to the alcohol he drank and my hormones. Hinalikan niya ako no'n at mabilis akong nadala dahil bago sa akin ang naramdaman. Nagpumiglas naman ako, pero I was also very curious that time. So my struggles were half-hearted. And he felt that so he didn't stop.

Thankfully we didn't go further because someone called him on the phone. At matapos ng pangyayaring 'yon, umiwas na ako sa kaniya.

That was what happened three years ago... 

───────────────

Mabilis na dumaan ang mga araw na tila isang ulap na tinatangay ng hangin sa himpapawid. I spent my holidays alone. Nasanay na din ako na mag-isa dahil ilang taon na akong nakatira sa lungsod nang mag-isa. Nakakamiss nga lang ang ingay ng orphanage dahil maraming bata doon tapos may salo salo pa tuwing pasko at bagong taon.

Umalis si Jewel papuntang US dahil may annual reunion ang pamilya nila. Lahat ng relatives niya ay pupunta sa bahay ng lolo at lola niya doon at sabay sabay silang magce-celebrate ng pasko hanggang bagong taon. Ganon din si Beya at Krisha ngunit dito lang sa pilipinas. Si Marie naman nasa New Zealand dahil naroon ang karamihan ng relatives niya.

They want to take me with them because they knew that I'll spend my holidays alone like the last time but I refuse.

Sinalubong ko ang pasko at bagong taon ng mag-isa. Nakakulong sa kwarto, nanonood, o hindi kaya ay nakatulala sa isang tabi. Wala akong ibang mapagka-abalahan kaya madalas akong natutulog.

Ano kayang pakiramdam na may magulang na kasama tuwing holiday? Will I... ever feel that?


Bumalik kami sa klase isang linggo matapos ang selebrasyon ng bagong taon. Wala na ang bulong bulungan tungkol sa akin na ipinagpasalamat ko. Kaizer were true to his words. He told everyone that it was all a prank and they should stop pestering me and leave me alone.

Some people didn't believe at first, but Kaizer is Kaizer. He have his ways to do things on his own, so after a few days, everything goes back to normal.

Intramurals na ngayon at naghahanda na ang lahat ng varsity player na maglalaro sa Universities Sports Competition. Ang laro ay gaganapin sa may pinakamalawak at maraming court na lugar dahil sasabay sabayin ang laro, at ang lugar na iyon ay sa Cleeve Hills University. Their court, field, and lockers can accommodate all the students so every year, CHU is where the game always held.

Kasalukuyan kaming nasa school bus para bumiyahe papuntang CHU. May sariling bus ang bawat varsity players every sport. So I can get cozy dahil kami lang naman ang nasa malaking bus.

Tinatamad na sumandal ako sa malambot na sandalan ng bus habang naka headset na may malakas na volume para hindi ko marinig ang ingay sa paligid ko. Wala namang sumubok na tumabi sa akin dito sa bus seat kaya naman solo ko ang parte na 'to.

Wala talaga akong kasundo kahit isa sa kanila kaya hindi na rin ko nagtaka kung bakit walang tumatabi sa akin.

Nakikita ko ang masayang mukha ng mga estudyante na nasa quadrangle. Excited sila para sa kalalabasan ng laro kaya naman kanya kanya silang sakay sa sariling mga kotse tapos yung mga minor kasama ang driver nila.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon