16

2.1K 45 1
                                    

Natapos ang buwan ng dalaw ko at nagpatuloy ang practice namin. Ilag ang lahat ng kateam ko sa akin maliban sa ilan sa kanila na naglalakas loob na kausapin ako. Tulad na lang ng babaeng nagprisenta na maging setter ko.

"Guys, do you know?-"

"No." Pagpuputol ko kay Krisha sa dapat na sasabihin niya.

Tumawa kami ni Jewel nang umasim ang itsura ni Krisha. Nakangiti lang sa amin si Marie, medyo naiiling dahil nagsisimula na naman kaming maging magulo.

"Damn you!" She hissed. "Seryoso nga kasi!"

I pursed my lips, still stifling my smile. "Okay fine. Spill the beans."

Nagulat ako nang tinapon ni Marie ang kinakain naming sweet beans na nakalapag sa coffee table.

Humagalpak kami ng tawa. Halos mapahiga pa nga sa carpeted floor ng kuwarto ni Marie!

"S-Sabi niyo kasi, s-spill the beans!" Tawang tawa na sabi ni Marie.

I held my stomach while still laughing hard. Nauubo na ako sa kakatawa kaya pinilit kong huminahon at huminga ng malalim. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga sa kakatawa!

"Tangina, wala talagang matinong pag-uusap kapag magkakasama tayo!"

"Hey! Marinig ka ni Daddy!" Tulad ng inaasahan, sinaway ni Marie si Krisha dahil sa pagmumura nito.

"Pake ko?" Ngumisi si Krisha.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Marie para sa gagawin naming research paper ngayong semester. Simula pa lang talaga ay duda na akong may magagawa kaming matino, gayong kapag magkakasama kami ay puro kalokohan lang ang ginagawa namin.

"So, ano nga ang sasabihin mo, Krish?"

Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Krisha na para bang may naalala.

"Kasi, ganito 'yon..."

We automatically lean closer to her so we can hear her story clearly.

"Tumambay kasi ako ulit sa bagong bukas na Cafe sa Mariano. Yung pinuntahan natin last time? Doon! I was hoping kasi, to see the guy in white shirt that we saw last time. Nakailang pabalik balik ako doon sa pagba-baka sakali na makita ko ulit siya. I wanna approach him kasi..." Ngumisi siya.

"After three days of wastingy time inside that Cafe, I finally saw him with the same circle of friends, and some new faces! My plan to approach him- I didn't do it 'cause it'll be embarrassing to do it with his group."

"May hiya ka pa pala?" Jewel butt in while smiling playfully.

"Shut up!" Sinabunutan ni Krisha si Jewel ng mahina. "Let me finish kasi!"

"Alright!"

Tumikhim siya bago nagpatuloy sa pagku-kuwento.

"I thought I lost my chance so I gave up my luck to get to know him. Naisip ko na parang ang desperada ko naman sa ginagawa kong pag-antay sa kaniya! So I stood up to leave, but before I could go, he suddenly approached me with a polaroid film in his hand! It was my stolen picture! He took a picture of me!"

Halos mapunit na ang labi niya sa laki ng ngiti niya.

"Hindi lang iyon! When I flipped the picture, I saw his hand written letter at the back of the film and it says 'Want to grab lunch with me?'." At tuluyan siyang napatili.

Napailing ako at bahagya din napangiti. Nakaramdam ako ng secondhand kilig mula kay Krisha. I kinda like the way he asked Krisha for lunch. It wasn't common and super cute.

"I like the way he asked you." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Marie.

"I like it too! Ang ganda ko pa sa picture kaya mas lalo kong nagustuhan si Edward!" She giggle.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now