28

1.9K 53 4
                                    

Parang nabago ng isang iglap ang laro nang pumasok sa court si Dreyco. Tuloy tuloy na nagdagdagan ang points nila mula ng makapasok ang Captain. Dreyco and Blake are three pointers.

Kaya lang ay hindi siya ngumiti sa buong limang minuto ng second quarter.

"CAPTAIN FOR THE THREE... THREE POINTS FOR JAGUARS!" Sumabog ang panibagong tilian sa parte namin.

'Captain, ang gwapo mo!'

'Oh, shit! He looks really hot while sweating!'

'Sana pawis na lang ako.'

'Ang sarap ni Captain!'

Umasim ang mukha ko sa huling narinig. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin kung saang banda ang sumigaw ng malaswang salitang iyon. Tawa naman ng tawa si Beya sa sigawan ng iba.

"Ang sarap daw ng friend mo." Humalakhak sila ni Beya.

"Patikim naman ako, Kate." Tudyo pa ni Helena.

Mas lalong sumama ang itsura ko sa pang-aasar nila. Humagalpak sila ng tawa ng makita ang lukot na mukha ko.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ko pa boyfriend si Dreyco."

Natigil sila sa pagtawa at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"Pa?! I knew it!" Beya exclaimed.

Huli na para mabawi ko ang sinabi ko dahil pinagtulungan na akong tanungin ng dalawa.

"Sinasabi ko na nga ba at may something sa inyo."

Hindi ako nagsalita sa sinabi ni Helena. Umiling lang ako. Gusto ko itanggi pero alam ko naman na may... something talaga sa amin ni Dreyco.

Something that I don't want to develop further.

Saglit akong bumaling sa court nang marinig ang pagscore ng Zahara. Lamang pa rin ang school namin pero ilang puntos nalang 'yon.

"I also feel it!" Napabaling ulit ako sa dalawa nang magsalita si Beya. "He's courting you?"

I sighed. Hindi ko alam ang isasagot.

"Let's just stick to the term na may 'something' sa amin. We're not yet clear about dating."

"Dreyco mentioned about your date later. Alam rin namin na nag-overnight niya sa apartment mo, pati ang lunch na nangyari noong unang linggo ng pebrero."

Hindi ko alam kung paano nila nalaman gayong kapapayag ko lang kanina sa date na gusto niyang mangyari. Maybe he texted them, but I don't see the point of saying about the date to our friends!

And what? Pati yung overnight, alam nila? Ang chismoso naman pala nitong si Dreyco!

"Uh-ohh! Don't get the wrong idea!" Iwinasiwas ni Helena ang kamay niya. "I know that look in your face. It's not Dreyco's fault!"

Kumunot ang noo ko. "Kung hindi siya, sino? Dalawa lang naman kaming may alam ng bagay na 'yon."

"Someone saw you two dating on a high end restaurant. Nandoon din kasi ni Vince." Tinuro ni Beya ang lalaking nasa center position ng Jaguars.

"Sinundan niya daw kayong dalawa dahil isa siyang malaking chismoso." Helena continued before rolling her eyes.

"Nakita niya si Dreyco na sinusukatan ka ng sapatos tapos ang landi niyo raw."

"Tapos sinundan niya rin yung sasakyan ni Dreyco at nakita na pumasok sa subdivision kung saan ka nakatira. Hindi na raw lumabas dahil sa malakas na ulan. Dahil sa ulan, na-stranded din si Vince kaya tumuloy muna siya sa Tita niyang nakatira din sa loob ng Subdivision." Pagtutuloy ni Beya.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now