34

2.3K 40 0
                                    

Walang imik na naglalakad ako palapit sa tinutuluyan namin. Nakapulupot sa akin ang kulay puting tuwalya na nakastock sa floating cottage at mahigpit ang kapit ko sa bandang dibdib na tela dahil may tinatakpan ako. Natatakpan din ang leeg ko dahil nakita ko sa salamin kanina na may tatlo ding marka doon. Mas lumala pa nga ang pagkakapula ng mga marka makalipas ang isang oras.

"Hey, I'm sorry." Habol ni Dreyco sa likod ko. "Baby, come on. It will fade soon." Pagsusumamo niya.

I'm so annoyed. Nabadtrip talaga ako dahil sa ginawa niyang marka sa balat ko para lang hindi ako magbikini.

"Should I say thank you, then? I told you that I don't have anything besides bikinis and dresses! How will I cover this up now?!"

Nilalamig na ako dahil alas cinco na ng hapon at medyo dumidilim na ang paligid. Makikita ang papalubog na araw sa kalayuan at napakagandang tignan ng paligid dahil doon. Naglalaro sa pastel color ang kalangitan at ang magandang repleksyon no'n sa malinaw na tubig ng dagat.

"Kate!"

Napatingin ako sa front patio ng mansyon at nakitang naroon sila Beya. Nakasuot sila ng balabal para itago ang suot na swimsuit tapos may nakabalot din na makapal na tuwalya sa mga balikat nila. Naka-kalong si Beya kay Chris at nakahilig naman si Helena kay Vince. Magkakayakap ang magnobyo't nobya habang pinapanood ang paglubog ng araw.

I heard Dreyco sigh. "Kate..."

Umirap ako sa hangin at dumeretso sa pwesto kung saan nakaupo sila Beya. Nagtataka sila habang nakatingin sa amin at pinapanood ang paglapit ko.

"Where have you been? Did you swim?"

Tumango ako. "A bit." Walang ganang sagot ko.

Helena tilt his head as if reading me. Tumingin siya sa akin tapos kay Dreyco na nasa likurang banda ko. Walang ekpresyon ang mukha ko habang papunta sa upuan.

"Nag-away na naman kayo 'no?"

Umupo ako sa duyan malapit kay Beya at mahigpit na binalot ang sarili ko ng tuwalya. Lumangitngit ang duyan dahil sa padabog kong pag-upo at nakasimangot na tinignan si Dreyco. Tumungo ito sa kubo na inupuan namin kanina at kinuha niya ang sarong ko na naroon pati ang tuwalya na hinanda niya.

"He pissed me off." Sinabi ko. "Also, you two," Sumama ang tingin ko sa kanila. "Who told you to pack only bikinis and not proper underwear?"

Tinuro ni Helena si Beya. "Ako ang taga-tupi at tagalagay sa bag. Siya ang taga-kuha. Not my fault."

Napakurap si Beya. "U-Uhm... Because we're going in a beach?"

I sighed. "I won't let you pack my bag again."

Umupo si Dreyco sa pangdalawahang couch sa gilid ko na agad sinakop ng malaki niyang bulto. Parang pang-isahang upuan na lang tuloy iyon nang makaupo siya. Hindi ko siya pinansin at sumandal na lang sa inuupuan kong duyan. Mahina ang ugoy nito habang pinapanood kong bumaba ang araw sa langit. Kinuha ko ang isang throw pillow sa gilid ko at niyakap ito. Ramdam ko ang titig ni Dreyco pero hindi ko siya sinulyapan kahit isang beses lang. Naiinis kasi talaga ako sa ginawa niya at nag-iisip din ako ng paraan kung paano ko tatakpan ang mga marka sa dibdib at leeg ko. Puro mabababa ang neckline ng dress na pinili nila kaya namomroblema ako. I suddenly remember the scarf I saw a while ago. Iyon na lang siguro ang ipangtatakip ko.

Hinilig ko ang ulo ko sa malambot na sandalan ng duyan. Inaantok ako sa ugoy ng duyan pati sa malakas at malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Kung hindi lang ako basa galing sa pagligo, matutulog talaga ako dito

Tuluyang lumubog ang araw kaya naman tumayo na ako at walang paalam na pumasok sa loob para magbanlaw. Tipid na ngumiti lang ako sa bumating kasambahay nang madaanan ko sila at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag. Dumeretso ako papasok sa kwartong nakalaan sa akin at kumuha ng pantulog sa kabinet. Mabuti na lang at maayos na pangtulog ang nakuha nila pero hindi pa rin ako natutuwa dahil lacy underwear ang masusuot kong panloob. Satin ang tela ng spaghetti strappled night dress ko na hanggang kalahati ng hita ang haba.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now