32

1.9K 42 0
                                    

Sumakay kaming anim sa isang van na pag-aari ng resort nila Dreyco. May driver din kaya walang mapapagod sa amin para magdrive. As I expected, magkakatabi ang dalawang couple kaya nandito kaming dalawa ni Dreyco sa likod, tahimik na nakaupo.

Umalis kami ng saktong alas cinco ng umaga. Madilim pa pero hindi ganon kalamig dahil hindi pa naman tuluyang natatapos ang summer ayon sa balita.

Kumalam ang sikmura ko. I sighed. Hindi pala ako nag-agahan tapos puro chips lang ang kinain ko bago matulog.

Nakasimangot na sinandal ko ang likod sa inuupuan at hindi pinahalata ng gutom ako. Nakakahiya kasi. Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe pero tingin ko hindi naman ganon kalayo kaya matitiis ko pa sigurong hindi kumain...

"Here." Napalingon ako kay Dreyco.

Inabot niya sa akin ang pamilyar na paper bag mula sa kilalang restaurant. Napaawang ang labi ko dahil sa gulat kasi alam ko sarado pa ang restaurant na iyon ngayon. Sobrang aga pa kaya!

"How did you bought this?" Tanong ko nang maramdaman na mainit init pa ang pagkain sa loob.

"Just eat it. I know you're hungry." Masungit na aniya.

Nag-init ang pisngi ko. I smiled. I don't know what he did to buy this from a restaurant that for sure is still closed right now, pero isa lang ang alam ko.

This guy... He never really fails to make me feel extra special...

"Thank you! Hati tayo."

Hindi ko na inantay kung papayag ba siya at basta ko na lang inamba ang tinidor sa bibig niya para isubo sa kaniya ang pagkain. Walang magawa na sinubo niya ito at naiiling na tinignan ako. Nginisihan ko na lang siya at kibit balikat na sunod na sumubo ng pagkain.

In the end, kaming dalawa ang kumain ng dala niya. Isa lang ang spoon and fork kaya naman salit salit ko siyang sinusubuan pagtapos kong sumubo. Hindi siya nag-inarte sa set up namin. Wala siyang choice dahil isa lang din naman ang utensils.

Mabuti na lang at hindi masyadong maalog ang dinadaanan namin kaya maayos akong nakakain habang sinusubuan siya.

Naubos namin yung pagkain kaya itinapon ko sa trash bin na nasa gitna ng upuan ang paper bag. Inabutan ako ni Dreyco ng tubig at pinangalahatian ko iyon. Inubos niya naman ang tubig na natira ko at tinapon din ang lalagyan sa basurahan.

Natutulog na ang apat sa harap namin kaya tanging tugtog lang sa speaker ang maririnig sa loob ng sasakyan. Inaantok na rin ako pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil gusto kong kausapin si Dreyco.

"Bakit mo nga pala naisip na mag-outing?" Tanong ko sa kaniya.

Tinignan ko siya na nakasandal sa upuan at nakapikit. Mukha siyang pagod sa totoo lang, pero hindi pa rin mawawala ang kagwapuhan niya kahit na mukha siyang stress.

"You already heard my reason a while ago." He said, preferring to what Helena said in my room.

"Really? Thank you for doing this but don't push yourself too hard. I know you are tired because of your classes and kinds of stuff. Kailangan magpahinga ka sa buong stay natin sa resort niyo, ah."

"That's what I'm planning to do."

Dinilat niya ang mata niya at bahagya akong sinulyapan. I smile and nod.

"That's good. Tapos na ba ang klase niyo? Akala ko may ilang araw pa bago ang bakasyon?"

Pumikit ulit siya. While I settle on watching him intently.

"I finished everything last week that's why I was not able to visit you for days. I was planning to finish everything early just to have this vacation."

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now