23

1.8K 46 0
                                    

Hila hila ako ni Dreyco papunta sa kung saan mang clinic ang tinutukoy niya. Hawak niya ang kanang pulso ko at iniingatan na huwag madali ang daliri ko na may sugat. Nakatingin lang ako sa kaniya the whole time ng paglalakad namin.

He looks mad while walking towards somewhere. Sumusulyap sulyap siya sa akin habang naglalakad pero agad akong umiiwas ng tingin sa kaniya at kunwari na sa daan ako nakatingin.

Nakarating kami sa clinic ng school nila malapit sa locker room. Pinagtitinginan kami ng nurse at doctor nang pumasok kami sa loob ng malaking clinic room. Actually, mukhang ospital na ito sa sobrang laki.

A male nurse immediately approaches us.

"Mr. Samaniego-" Itinaas lang ni Dreyco ang kamay niya para patigilin sa pagsasalita ang nurse.

I frowned because what he did was rude. Mas matanda sa kaniya ang nurse kaya hindi niya dapat ginawa iyon. Hindi ko naman magawang pagsabihan siya dahil natatakot din akong magsalita kasi mukha siyang mananakit sa talim ng tingin niya!

Tumigil kami sa tapat ng isang babaeng nurse na pinagmamasdan lang kami.

"Treat her wounds." Malamig na utos ni Dreyco sa kaniya at pinaupo ako sa kama na malapit.

The woman smirked to Dreyco but he just snob her. Natawa ang babae bago nagpaalam para kunin ang mga kailangan para magamot ang sugat ko.

Ilang minuto lang at dumating agad ang nurse na may hawak na kit. Isinara niya ang kurtinang nakapalibot sa hospital bed, for our privacy, at umupo sa harapan ko. Inilapag niya ang kit sa table at sinimulang tignan ang kamay ko.

Nanatiling nakatayo si Dreyco sa gilid ng hospital bed habang pinapanood kung paano ginagamot ng babaeng nurse ang sugat ko. Biglang lumipat ang tingin niya sa akin kaya agad akong umiwas at nagfocus na lang sa nurse na kaharap ko. Nakatingin lang ako sa sugat ko na nagsisimula ng humapdi sa pang-gagamot na ginagawa ng nurse.

I bit my lower lip in pain. It made my fingers tremble a bit. Nahagip ng peripheral vision ko ang nag-aalalang ekspresyon ni Dreyco habang nakatangis bagang.

Nawala ang atensyon ko kay Dreyco nang gumalaw ang nurse sa harap ko. The nurse tilt her head while examining my fingers.

"This looks bad. You need to rest this fingers until the wound heal, or else, you'll need three stitches each." Bumaba ang tingin niya sa likod ng kamay ko. "Also, your knuckles on the index and middle finger are stiff. Probably since you pulled something too much using only this two fingers."

Bahagyang diniinan ng nurse and knuckles ko. Napapitlag ako sa sakit at napangiwi. Napailing ang babae sa reaksyon ko at tinuro ang diniinan niya.

"See? It's trembling. Your wrist looks strained as well. Overall, you need to rest your whole right arm 'cause I'm sure, your shoulder hurts too."

Walang imik akong nakikinig habang nagsasalita ang nurse ng dapat kong gawin. Nanatili namang nakahalukipkip si Dreyco sa gilid at seryosong pinapanood ang bawat ekspresyon ko habang nagsasalita ang nurse. Nagtagal pa ng ilang minuto bago natapos ang ginagawa ng nurse na pag-gagamot sa sugat ko. Binendahan niya ito para hindi maimpeksyon dahil bukas at sariwa pa ang sugat. Medyo may kalaliman at mukhang nasobrahan talaga ako ng hila sa string kaya sobrang sakit ng daliri ko kapag sinusubukan ko itong galawin.

"Thank you." Sinabi ko sa nurse.

Ngumiti lang siya bago hinarap si Dreyco. "Everything is okay, cousin. You should calm your possessive ass now."

Umawang ang labi ko sa tinawag ng nurse kay Dreyco. Cousin?!

Dreyco scoffed. "Shut up, Nina." Masungit na aniya at basta na lang tinulak ang pinsan na tumatawa, palabas ng room.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن