31

1.9K 45 0
                                    

Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit.

This will be the last time, I swear!

Dumeretso ako sa banyo nang maramdaman kong masusuka ako. And I did. I brushed my teeth after and take a shower because I smell like liquor and puke. Tuluyan akong nahimasmasan matapos maligo.

Naka hubad pa ako paglabas ng bathroom nang mapansin kong may baso ng tubig at gamot sa side table ko. May note din na nakadikit sa baso.

'Drink this when you woke up. - Dreyco.

Pinasok ko sa kabinet ang note niya at ininom ang gamot na hinanda niya.

Umaga na at dapat may pasok ako ngayong araw, pero di ako papasok. Bukod sa late na ako nagising, masama rin ang pakiramdam ko dahil sa dami ng ininom ko kahapon.

Napasimangot ako ng maalala na wala pala akong pagkain. Wala pa akong grocery!

I heard the door bell. Kunot noong binuksan ko ang pinto.

"Delivery for Ms. Katelian, from Mr. Dreyco Samaniego po. Bayad na po at ang kailangan niyo lang pong gawin ay tanggapin ito at pumirma." Nakangiting bungad ng delivery boy.

Naguguluhang kinuha ko ang paper bag at pumirma sa pinapipirmahan ng lalaki. Sumaludo ito bago naglakad paalis. Sinundan ko ng tingin ang delivery boy hanggang sa makasakay ito ng elevator.

Isinara ko ang pinto at binitbit ang dala sa counter top.

Binuksan ko ang plastik at agad na kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang mabangong amoy ng flavored chicken na pamilyar sa akin. Nagningning ang mata ko nang makita ang box na puno ng boneless chicken mula sa paborito naming restaurant ni Dreyco.

Tumunog bigla ang cellphone ko na nasa kwarto pa kaya patakbo ko itong kinuha. Rumehistro ang pangalan ni Dreyco sa screen. Agad kong sinagot ang tawag na may malawak na ngiti sa labi.

"Hey, baby-"

"Thank you for the food!"

Nilapitan ko ang pagkain na nasa counter top at tinanggal ang kahon sa plastik. Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang kabuoan nito.

"Someone sounds so happy." Tudyo niya sa kabilang linya.

"I am." I grinned.

"That's first. Remember the last time you had hangover? You were grumpy the whole day. Not even wanting to talk to me."

Natawa ako ng maalala ang tinutukoy niya. Kumuha ako ng chopstick na nasa lalagyan ng utensils at hinugasan ito sa lababo.

"Well, change of mood? You brought me food after all."

"So, food can change your mood?"

Niloud speaker ko ang phone ko at nilapag ito sa counter top. Hinila ko ang high stool chair sa ilalim ng counter top at umupo doon at kumain. Sumubo ako ng manok.

"Uh-huh." I answered.

"You just woke up?"

"Yeah. I had a huge hangover a while ago and it's gone now. Maybe the medicine you left for me to drink just kicked in."

"So I was just on time when I brought you food. Akala ko natabunan ka na ng kama mo kasi tanghali na pero hindi mo pa rin ako tinatawagan para mag-rant." Tumawa siya.

Ugali ko kasi na mag-rant sa kaniya sa umaga kapag hindi maganda ang pakiramdam ko o kaya may hangover ako. Siya ang stress absorber ko kasi hindi siya naiinis sa akin kahit pa anong sabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit mas tinatawanan niya kapag naiinis ako.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now