5

2.5K 54 2
                                    

I woke up a bit late, but just enough for me to prepare for our practice. I took a bath after eating my brunch dahil tanghali na ako nagising. After taking a bath, I wear my usual jogging pants under my cotton shorts and nike shirt.

Sinuklayan ko ang basa ko pang buhok at saka isinukbit sa balikat ko ang dalang bag. Nang makalabas ng apartment building, sinalubong ako ng may kainitan na klima na siyang inaasahan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dinadama ang hangin na sumasalubong sa akin. Maya maya sigurado ay tuyo na ang buhok ko dahil sa hangin.

Nakarating ako sa school at nakapasok ako sa campus nang matapos ko ipakita ang varsity ID ko sa guard. Ang maaari lang kasi pumasok tuwing walang klase ay yung may mga schedule nang practice. Sa ngayon siguradong mga players lang ang nandito sa school dahil malapit na ang Universities Sports Competition o USC.

Labing dalawang school ang maglalaban laban sa competition na iyon. Nakakabango kasi ng pangalan ng school ang pagiging champion sa mga competition. Mas nakakahatak sila ng mag-aaral na sa school nila mag-enroll dahil sa maganda nilang reputasyon.

Ang varsity players ng bawat school ay nahahati sa dalawa. Ang representative ng senior high at ng college, sa specific na laro. At may dalawang uri din ng team; ang department at general team. Ang players by department ay iyong mga players na magkakasama sa isang department katulad ng STEM Volleyball team or basketball team of criminology department, habang ang general players ay ang pinagsama-samang magagaling na players sa kada department o yung mga sinasabing MVP/Ace ng bawat department.

Isang buong buwan gaganapin ang USC at tuwing biyernes ang laban. Sa unang linggo ng laban ay anim na school na lang ang matitira. Sa pangalawang ay tatlo na lang at sa pangatlong linggo na malalaman ang mananalo. Ibig sabihin ay dalawang sunod na game ang kailangang ipanalo sa huling linggo.

Sa susunod na linggo matapos ang laban magaganap ang endorsement at other interviews ng mga nanalong team, or shooting para sa annual sports magazine.

Madalas kaming second place sa lahat ng sports mapa-basketball, volleyball, soccer, table tennis, badminton or football. Minsan talo paAng madalas manalo ay yung Cleeve Hills University at pangalawa lang lagi ang Zahara University, which is ang school na pinapasukan ko. 

Nakarating ako sa court na sakto lang sa oras kung kailan magsisimula na silang mag-stretching. Dumeretso ako sa locker room at hinubad ang damit maliban sa shorts at sapatos ko saka pinalitan ito ng rubber shoes at sleeveless shirt. Ikinabit ko din ang knee at elbow pads sa dapat nilang paglagyan at naglakad na palabas ng room. Agad akong nag-stretching sa paraang tinuro ni Coach simula pa nung nakapasok ako bilang player. Ilang minuto lang namin ito ginawa at matapos nito ay agad kaming sumabak sa matinding practice.

Ramdam ko ang pagragasa ng dugo ko nang magsimula ang laban. Kahit mahapdi sa palad ay patuloy pa rin ang practice namin. Masakit na din ang binti ko kakatalon ng mataas para i-block ang palo ng kabilang team at paminsan minsan pang nadadapa lalo na kapag sinasalba ang bola na wag dumikit sa sahig.

"Ten minutes break then we will strengthen your muscles for a bit before I dismiss this practice." Sabi ni Coach Yna matapos magpito. Mahinang nagreklamo ang iba kaya natawa ako.

Umupo ako sa upuan na nasa gilid at hinayaan na lumabas ang pawis sa katawan ko. Itinakip ko sa mukha ko ang makapal na tuwalya habang patuloy na humihingal. Uminom ako ng tubig para mapalitan ang likidong nawala sa katawan ko.

Matapos ng sampung minutong pahinga ay agad kaming nag-exercise para mas mapatibay ang binti at braso namin. Nag-cardio din kami para maiwasang mawalan kami ng lakas sa mismong laban. Hindi ko alam kung ilang minuto namin ginawa iyon dahil pagkatapos nito ay parang gusto ko na lang humiga sa court sa sobrang pagod!

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now