20

2.1K 41 0
                                    

My hands are getting cold but I kept my lips tight while we were walking on the long corridor of Buenaventura's mansion. Inabutan kami ng kulay pulang half mask nang makarating kami sa dulo ng hallway, bago kami bumaba ng grand staircase ng mansyon.

Mask lang ang tanging dala ko sa malayang kamay at nakasukbit naman sa braso ni Kaizer ang kabila kong kamay. Tanging tunog lang ng sapatos ko ang maririnig sa buong kabahayan dahil lahat ay nakatingin lang sa pagdaan naming dalawa ni Kaizer.

Nakarating kami sa labas ng mansyon kung saan nag-aabang ang dalawang itim na Limousine. Sa likod nito ay iilang Van sakay ang maraming body guard at tauhan ng pamilya ni Kaizer. Marami iyon at mukhang papalibutan ang sasakyan mamaya habang bumabyahe, para sa kaligtasan ng buong pamilya.

Kami lang ni Kaizer ang nasa pangalawang Limousine at mukhang nasa kabila silang lahat, kaya naman maluwag ang loob kahit na may kalakihan ang gown na suot ko.

"Why the hell did you choose that kind of gown?" Singhal bigla ni Kaizer nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.

Agad ko siyang sinimangutan. "Are you kidding me? Annual ball nga, 'di ba? A-N-N-U-A-L B-A-L-L! Annual ball!"

Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sarcastic na sagot ko, pero inirapan ko lang siya . Yumuko ako para ayusin ang laylayan ng gown ko na umaabot sa maharlika niyang paa. Nakakahiya naman sa prinsipe. Note the sarcasm please.

I heard him grunt like a wounded animal.

"That's not what I mean! Look at you! You still have the nerve to bend down in front of me with that dress! Do you realize that your chest is showing and you're in front of a man!?"

Nagpanting ang tenga ko. Tumigil ako sa paghila ng gown ko dahil sa sinabi niya. Unti unti akong yumuko para tignan kung totoo ang sinasabi niya. Mabilis na rumagasa ang dugo paakyat sa mukha ko nang makita ang halos hubad nang hinaharap ko.

My upper boobs are waving at me and I'm sure, it is waving at him, too!

Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko matapos lumayo ng bahagya kay Kaizer na nakakunot noo. Sa iba na siya nakatingin ngayon pero nakita niya pa rin halos buong dibdib ko!

Tahimik ang naging byahe matapos ng pagkapahiya ko. Hindi na ako muling nilingon ni Kaizer at ganon din naman ako sa kaniya. Nahihiya ako dahil medyo kasalanan ko din na nakitaan ako. I bend down even though I was aware of how low my gown's neckline is. Medyo nakalimutan ko kasi!

Lumipas ang kalahating oras bago huminto ang sasakyan na kinalululan namin. Sinilip ko ang labas at nakitang nasa malawak na parking space kami na puro mamahaling sasakyan ang nakahilera.

"Put your mask on. I don't want them to recognize and pester you after this event, just because you were with me."

Tumango lang ako at isinuot ang makinang at pulang maskara na ibinigay sa akin. Nang matapos kong buhulin ang ribbon nito sa parteng ilalim ng buhok ko ay doon binuksan ng bodyguard ang pinto sa gilid ni Kaizer kaya siya ang naunang bumaba, bago akong lumbas ng sasakyan.

"Come on..."

Naramdaman ko ang pag-gapang ng mainit at magaspang na kamay ni Kaizer sa likod ko, sa kabila ng my kakapalan na telang ng gown. Panandalian akong natameme dahil sa ginawa niya.

"O-Okay..."

Maingat na iginiya niya ako papasok sa hall. Mabuti na lang at pormal ng mga imbitadong media kaya maayos kaming nakapasok sa hall.

Until a man approach us. Isa siya sa nag-aabang na media sa bukana ng hall.

"Good evening! It's an honor to see you again, your highness." Puno ng galak na bati nito bago lumipat ang mapanuring mata sa akin.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon