14

1.9K 47 1
                                    

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon kaming lahat sa bukana ng locker room. Nakatayo doon si Coach at matalim na nakatingin sa amin.

Nagsi-yukuan ang lahat pero nanatili akong nakatindig at hindi nagpadala sa lamig ng tono ni Coach. I'm still kind of pissed off and I don't think I'll get better anytime soon.

"Can we use the court for one game, coach? Because it seems like these people wants a lesson or two about me. Para naman may tama silang mapag-chismisan, hindi yung puro kalandian ko na lang ang topic nila." Malamig na tugon ko kay Coach at tinignan ng matalim ang babae na tinawag nilang Jenny.

Parang nawala ang tapang sa mukha nito at napalitan ng takot at pangamba habang nakatingin sa akin. Maging ang mga alipores niya sa tabi ay namumutla na din.

"Sure! The court is open! Go on!" Nakita ko ang kislap ng tuwa sa mata ni Coach ng sabihin 'yon. She's more than excited, imbis na magalit dahil nagtatalo kami.

"We'll play." Nanghahamon na tinignan ko sila.

Kumpleto kaming players dito. Kailangan ko ng setter...

"Who wants to be my setter?" Tanong ko at tumingin sa mga grade 11 players.

Sila lang ang puwede kong maging kakampi dahil pakiramdam ko yung mga grade 12 ay papanig kay Jenny.

May babae na agad nagtaas ng kamay na ikinagulat ko. I thought no one would dare to be on my side because I'm not really friendly and I also thought that they hated me for being the Coach's favorite. Maybe some of them don't.

Kumaway ang nagpresenta sa akin. "I would love to be your setter, Miss!"

Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na sa locker room. Nakasunod sa akin ang babae na mas maliit sa akin ng kaunti at sa likod ay yung mga babae na nag-uusap usap tungkol sa akin sa loob ng locker room.

Handa na ang lahat nang makarating kami sa mismong court. Mula sa net hanggang sa mga bola na gagamitin namin. Nakapwesto na rin si Coach bilang scorer at referee namin. Kami na lang talaga ang kulang.

Bago pa kami pumuwesto sa magkabilang panig ng net ay hinarap ko muna sila Jenny na nag-uusap usap. Kung hindi lang ako iritable ay siguradong maaawa ako sa kanila, but I am. I'm so irritated right now.

Blame the hormones.

"We will only have one rule and it will be simple. Stop my services or receive my spikes. Kapag nasalo niyo ang bola kahit pa hindi niyo na ibalik sa akin ay automatic nang kayo ang panalo. That would be all. Just stop my attacks and we're done." I called their attention just to say that.

Nagulat ang karamigan sa sinabi ko. Some look at me like I'm joking, but I'm not.

Bumalik ang galit sa mga mukha nila nang mapagtanto na seryoso ako sa sinabi ko. I know I sounded arrogant, but I'm not. I was serious when I said the rule. Plain and simple. I'm really serious about the set-up.

Kapag nagserve ako at nasalo ng kahit sino man sa kanila basta hindi mag-a-out sa court ay panalo na sila. Kapag nasalo naman nila kahit isa man lang sa spikes ko ay panalo na din sila. Basta hindi rin lalabas ang bola sa court.

Pero hangga't hindi nila nasasalo ang mga tira ko ay hindi kami titigil. Unless sumuko sila at tanggapin na talo na sila. But I'll make sure, hindi sila uuwi hangga't hindi sila nagkakapasa sa lakas ng palo ko o kaya matamaan sila sa mukha dahil yun ang pupuntiryahin ko. I didn't do anything wrong but they keep backstabbing and talking about me.

They triggered me and they will pay for it.

May tumikhim sa gilid ko kaya sumulyap ako doon.

"U-Uh... Miss? dalawa rin po ba dapat ang kalaban sa kabila?" Tanong ng babaeng nagpresenta bilang setter ko na katabi ko na pala.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now