17

1.9K 57 2
                                    

Friday came so we have another game today. Sakay muli ng bus na pagmamay-ari ng Zahara, nakarating kami ng medyo mas maaga sa CHU kesa sa unang punta namin dito.

Kaunti pa lang ang mga bus na nasa parking lot nang makarating kami sa Gymnasium ng school. Malawak at walang masyadong tao na dumadaan nung makapunta kami sa hallway kung saan ang locker room ng bawat manlalaro.

Ang lockers na assigned sa isang floor ay dalawang school magkasama. Isa sa right wing at isa din sa left wing. Hallway ang dadaanan bago makapasok sa mismong hall kung nasaan ang hilera ng lockers; hallway sa kaliwa at kanang bahagi. Kapag tinumpok ang parehas na hallway ay makikita ang hilera ng pinto kung saan naroon ang locker room.

Nasa third floor kami ng building dahil doon ang laging locker room ng Zahara. Isa lang ang elevator ng building at ginagamit lang ito tuwing may emergency, kaya hagdanan ang ginamit namin para umakyat ng third floor.

Kasalukuyan kaming umaakyat ng hagdanan habang katabi ko si Coach at nauuna kami sa iba naming kasama. Rinig na rinig namin ang bulungan ng teammates ko at hindi ko mapigilang matawa sa pinag-uusapan nila.

They're talking about my disease and my whereabouts. Mula daw ako sa ibang planeta kaya may kakaiba akong lakas, tapos nagpapanggap lang daw akong tao. Kaya daw mukha akong perpekto dahil may sikretong pang-alien ako!

"Pwede na silang writer." Natatawang sabi sa akin ni Coach.

Natawa na lang rin ako.

Nakarating kami sa third floor at doon nagsimulang magreklamo ang mga fresh recruit dahil medyo sumakit daw ang tuhod nila. I'm sure narinig ni Coach ang iilang rant ng grade 11 tungkol sa agarang pagsakit ng tuhod nila kahit tatlong palapag lang ang inakyat namin. Kung tutuusin ay dapat madali lang para sa mga atleta ang pag-akyat ng hagdan dahil mas worst ang trainings na ginagawa namin mula kay Coach.

Mukhang may nakakamatay sa pagod na training na naman pagtapos ng larong ito.

I remember the time when I got mad 'cause she put my name on the list of her team without my permission, but I accepted it afterwards because she was scary! Not just that. She's also manipulative and cunning kaya wala akong nagawa kung hindi ang isuko ang free time ko para lang sumali sa Volleyball team.

Nung mga unang trainings ko nga, sobrang bugnutin ko dahil masakit sa katawan ang ginagawa namin tapos may diet plan pa. Ako lang ang may lakas ng loob magreklamo sa lahat ng newbies sa team. Hanggang sa nairita si Coach sa pagrereklamo ko.

Alam niyo ang ginawa niya? She made us train more than we've ever trained on our last practice. Hindi siya tumigil hangga't nakakatayo pa kami ng hindi pinanginginigan ng tuhod. Madali niya ring nalalaman kapag nagrereklamo kami kahit hindi namin sinasabi.

She's not an ordinary human. Like a witch!

"I know that look, Katelian. Don't bad mouth me in your mind." Sabi ni Coach.

See?!

"Huh? Wala akong sinabi!"

Tinaasan niya ako ng kilay, at inirapan.

"I know you too well, Kate. Huwag ka ng magtaka kung bakit madali lang para sa akin na malaman kung ano ang nasa isip mo."

Napangiwi ako. "You're so creepy. Kaya wala ka pang boyfriend, e-"

Sinamaan niya ako ng tingin at umambang kukurutin ako sa tagiliran kaya mabilis akong lumayo sa kaniya. 

"I don't care! Men will only mess your life. I can live without one!" Taas noong sabi niya bago ako tinalikuran.

Pinigilan kong tumawa sa sinabi niya. Hm, she can live without a man but she lived miserable for the last years because of a man. Irony, isn't it?

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now