42

2.4K 50 4
                                    

Hindi ko na alam kung nakailang shot na ako ng ladies drink habang nakikipagkwentuhan kila Beya. Labing dalawang taon kaming hindi nagkausap kaya sobrang dami nilang kinukwento.

"Tapos nakakahiya dahil nahulog ako sa pool nung birthday celebration ni Chris. Hiyang hiya ako sa sarili ko noon kasi basang basa akong humarap sa magulang niya. Kaya siguro hindi sila boto sa akin nung una." Humagalpak siya.

Pakiramdam ko may tama na itong si Beya kaya tawa ng tawa. Namumula na rin ang mukha niya dahil sa alak kahit na hindi naman ganon karami ang ininom niya. Ako nga itong nakakarami na pero parang mailap ang tama sa akin.

"What about you, Kate? Any story?" Si Helena na umiinom ng gatas. Oo, gatas.

"Well..." Nag-isip ako. "I love going to clubs in Florida." Simula ko. "I learned how to party when I started my college. I puke all over the pavement in our first night out." Natawa ako ng maalala ang nangyari years ago. "Galit na galit sila sa akin kasi sinukahan ko yung sasakyan na dala namin. In the end, hindi na nila ako hinayaang malasing ulit."

Their eyes widen. "You go to parties?" Hindi makapaniwalang tanong ni Helena.

I nod. "I consider that my escape in the real world. You know, music and drinks make me feel alive that time, kaya ayun. I always go to parties when I have the chance." Ngumisi ako pagtapos.

"Is your hymen still intact though?" Bulgar na tanong ni Helena

Nanlalaking mata na tinignan ko siya. "Why would you ask that?! Ang bulgar mo!"

Humalakhak siya. "That's a harmless question!"

Inirapan ko lang siya. I don't want to tell them that I tried to make out with so many men in bar but no avail. May mga pagkakataon na malapit na akong madala sa kama ng isang lalaki pero hindi ko kaya. Someone was always flashing right before my eyes when I'm getting there.

"Nasaan nga pala ang asawa ni Dreyco?" Pakiramdam ko tinamaan na rin ako ng alcohol kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Anong asawa?" Beya scoffed. "That woman? He's not even looking at her! They keep insisting that the engagement is still on when Dreyco clearly disapproved after you disappeared."

Agad ko siyang sinalo nang muntik na siyang matumba nung yuyuko dapat siya para kuhain ang panibagong shot ng iniinom namin. Parang baliw na tumawa lang siya sa ginagawa. Lasing na nga talaga siya, walang duda.

"How many shots did you take? Ang hina mo na, Beya." Pang-aasar ko.

."Sinong mahina?!" Bigla siyang bumangon at sinamaan ako ng tingin tapos tinuro si Helena na nasa tabi ko. "Siya nga itong mahina kasi gatas ang iniinom!"

Tumawa ako. "Malamang, buntis siya. Lasing ka na nga, Beya. Mahina ka na." Asar ko lalo.

Napipikon na tinignan niya ako. "Let's have a game, then!" Panghahamon niya. "The first one who finish this whole bottle of vodka, wins. You'll lose once you pass out or kapag hindi mo mainom ang buong laman ng bote ng mabilisan, obviously!"

Inabot niya ang dalawang bote ng volka na nakapatong sa buhangin. Inabot niya sa akin ang isa at sa kaniya naman ang isa. Binuksan ko ito.

"Game." Nakangising sabi ko.

Naunang uminom sa bote si Beya na agad ko namang sinundan. Nakatingin lang ako sa kanya habang bottoms up na iniinom ang mapait na alak na para bang umiinom lang ako ng tubig. Helena gasped because of that. Well, this is the result of years of having a night life.

Natawa ako ng ibinaba na niya ang iniinom na alak kahit wala pa siya sa kalahati. Mukha na siyang maduduwal at sobrang pula na ng mukha niya kaya tinigilan ko muna ang pag-inom para daluhan siya. Nakalahati ko ang hawak na alak.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now