13

2.1K 50 5
                                    

Nagising ako sa oras na nakasanayan ng katawan ko which is five am in the morning. Dahil sabado naman, hindi muna ako bumangon at nanatiling nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Alas dos pa ng hapon ang practice namin at excempted yung mga players na naglaro kahapon kaya kami lang ng mga grade 11 ang magpa-practice ngayon, at iilang grade 12.

Nagdesisyon ako na maghilamos at magtooth brush na ng sumapit ang ala sais ng umaga. Bigla ko kasing naalala na may kasama pala ako sa apartment ngayon.

Lumabas ako ng kwarto habang tinatali ang mahaba kong buhok at naghanda ng magluto ng agahan para sa aming dalawa.

I prepared pancakes, sunny side up eggs, steamed vegetable, fried rice, bacon and french toast. Then I made my usual warm lemon juice and green tea.

I play some mid volume party song and dance with its beat while making our breakfast.

"Hmm hmm hmm..." I hummed with the tune of my song as I flip the pancake on the other side.

I swirl around after I finished cooking the pancake so I could place it on the countertop. Kaya lang muntik ko ng matapon ang hawak kong plato nang makita sa hamba ng kusina si Dreyco, Nanonood sa akin!

"Good morning." Bati niya na may pigil na ngiti sa labi.

Lihim akong napangiwi sa hiya.  He look so amused while watching me!

"G-Good morning. K-Kanina ka pa?"

Sana hindi! Nakakahiya!

Tumaas ang sulok ng labi niya. Judging from the way he looks at me and how his lips grin, alam ko na kaagad ang isasagot niya!

"You guess." Aniya gamit ang mababang boses.

Halatang kakagising niya lang dahil sa paos niyang boses na masarap pa ring pakinggan.

"It looks adorable, don't worry." Now he's teasing me!

Simangot na pinatay ko ang tugtog mula sa cellphone ko. Then I cleared my throat.

"Would you like coffee, tea, or anything?" Subok kong pagbabago sa usapan.

I don't wanna talk about that embarrassing  moment so might as well change it. Kung bakit kasi naisipan kong sumayaw sayaw ay hindi ko din alam! I know he will go out any minute a while ago, pero nakasanayan ko kasi ang pagpapatugtog sa umaga kaya nawala sa isipan kong makikita niya ako.

"Black coffee would be great." He said. Nakahinga ako ng maluwag

Natapos ako sa pagluluto at kinuha ni Dreyco ang mga niluto ko para ilagay sa table na inassemble niya kagabi.

Nagtimpla ako ng kape para sa kaniya at inilapag sa lamesa. Umupo na kaming dalawa at tahimik na kumain.

I noticed that he look so good in the morning. Parang mas naging maamo ang mukha niya dahil medyo mapunghay ang mata niya at ang puti niya tignan.

That glow. Anong secret mo, Sis? I stifle my laugh when I think of that.

"How was your sleep? Comfortable?" Tanong ko sa kaniya makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"Yeah. Thanks for letting me stay here..." Saglit na tinignan niya ako at nagbaba ulit ng tingin sa pagkain niya.

Napansin ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya at bahagya din siyang tumikhim. Nagtaka ako. Para siyang naiilang at umiiwas sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi kaya naiilang siya dahil nakita niya ako kanina? Pero nakangisi pa siya no'n! Kaya bakit ngayon parang siyang magiging bat kung titignan niya ako, kaya todo siya umiwas?

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon