22

1.9K 51 5
                                    

Nagsimula ang game ng ala-una ng hapon.  Hindi ako mapakali dahil nasa isip ko yung magiging laban namin ng finals sa volleyball.

I really hope na makahabol ako kahit sa huling set man lang.

Nakatulala ako sa rack kung nasaan ang bows. Sobrang okupado ang isip ko. Pakiramdam ko nga anytime, tatakbo na lang ako palabas dito sa field para lang humabol sa laban namin.

I really want to play volleyball but I'm stuck here. This sucks!

Napapitlag ako nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Bumalikwas ako ng lingon. I saw Dreyco behind me.

Muntik pa akong ma-out balance sa pagkabigla. But he manage to grab on my waist to save me from my clumsiness.

"Careful."

Bulong niya bago ako inalalayang tumayo.

Tumikhim ako at namula pa ng kaunti. I step back to distance myself from him.

"Thank you..."

Kumunot ang noo ko nang mapansin na naka-casual lang siya, samantalang ang alam ko ay lalaban sila ng finals ngayon.

"Why are you here? It should be your championship game, right?"

"Well, our game was delayed due to technical problems in the court. Now, our game is at five." Namulsa siya.

"Ooh, okay.."

"How about you? Why are you here? As far as I remember, you are a volleyball player."

Humakbang siya palapit sa akin. Napalunok ako nang maamoy ang pamilyar na pabango niya. Oh man, I really love his perfume! Lalaking lalaki pero hindi masakit sa ilong.

"Well, something happened with the contender, so I took her place so they won't be disqualified."

"That's so generous of you." He was smirking so I don't know if he mean that.

I sighed. "More like I have no choice."

Bumalik sa isip ko ang pinoproblema ko kanina lang.

"You did well, Katelian. You were great."

That somewhat ease my mind. Medyo kumalma din ang isip ko.

"Thank you, Dreyco..." I smiled at him genuinely.

Saka ko lang napansin ang postura niya.

He's very attractive to look at.

Messy black hair, lazy looking eyes, thick brows, and eyelashes pointing upward, narrow nose, wet cherry bow shaped lips, sharp jaw and sculped face. Overall, he looked like one of the Greek god, but in modern clothes.

"Done checking me out?" Tumaas ang sulok ng labi niya.

"I-I'm not!" Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kaniya!

"I'm not checking you out! Hmp, assuming!" I defensively continue to say.

He chuckled.

"Stare all you want, Quinn. I'm all yours."

Tumikhim ako at patay malisya na bumaling sa mga bow. Para na rin itago ang pag-iinit ng pisngi ko.

"E-Ewan ko sayo..." Muli lang siyang tumawa.

Nagkagulo ang paro paro sa tiyan ko. Para akong kiniliti sa loob. The way he looks at me, kulang na lang matunaw ako. Tuluyan nang nawala sa isip ko ang kaninang problema.

Oh, this can't be happening! Remember the conversation with coach?

I swallow the lump in my throat. I should be avoiding him, right...? It was the right thing to do... dahil hindi kami talong dalawa.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now