10

2.4K 60 12
                                    

Nakakabinging sigaw ang maririnig sa dulo ng hallway na dinadaanan namin. Sinalubong kami ng nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa spotlight ng court.

Huminga ako ng malalim ng tuluyan kaming makalagpas sa hallway at nagtungo na sa court. Ang sigawan at hiyawan ng mga tao ay napalitan ng bulong bulungan nang tuluyan kaming makalabas ni Dreyco. Nasa dulo kasi kami kaya kami ang pinakahuling nakarating sa court.

"Dreyco, let go my hand." Bulong ko sa kaniya at hinila ang kamay ko na hawak niya.

Imbis na bitawan ay mas hinigpitan niya pa ang hawak sa akin! 

"Why? This is fine." Kunot noong sabi niya.

Napangiwi ako. Fine? Really?

"Come on! Just let go of my hand." Pakiusap ko sa kaniya at hinilang muli ang kamay ko.

Bumakas ang iritasyon sa mata niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Are you embarrass because I'm holding your hand?" Madilim ang matang tanong niya.

Wait, what?

Nanlaki ang mga mata ko. "T-That's not it! It's embarrassing because everyone is looking at me. I don't want that kind of attention!"

Pano ba naman kasi, masama ang tingin ng karamihan sa akin! Lalo na yung mukhang mga cheer dancer na nasa unang row ng bleachers!

Dreyco scoffed making me look at him again.

"I'm not letting you go for that reason, Kate. Do I look like I care?" Iritableng sabi niya at binilisan ang lakad kaya nahila niya rin ako.

I frowned. Kailan pa siya nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa akin? Sa pagkakaalam ko pangngatlo na pagkikita pa lang namin ito! Why is he so territorial?

Unti unti akong natatauhan sa mga ginagawa ko. Parang nung huling kita lang namin ay inis na inis ako sa kaniya, tapos ngayon hinahayaan ko na siyang halikan ako! Maling mali 'yon!

Muli kong hinila ang kamay ko nang pumasok sa isip ko ang bagay na iyon, kaya napalingon ulit siya sa akin.

"I need to go now. Our game is done. Baka hinahanap na ako ng Coach namin." I reasoned out just to get away in this situation.

I don't want to be rude and say what I want to say because I still consider him as my best friend's friend. And I know I am at fault in some ways because I lead him and even kiss his cheek for good luck!

Ano, Girlfriend lang ang peg?!

"No. I'll take you home myself. We'll finish my game and have lunch together."

What?! Who's having lunch with him, he says? Me? Says who?! 

"No! Busy ako-"

"Stop making excuses or I'll kiss you right here, right now." Tiim bagang sa sabi niya at tila nauubusan na ng pasensya sa akin.

Hah! Akala niya naman matatakot ako sa kaniya! There's no way he will kiss me with all these people! He must be joking-

"And I'm not kidding."

Mabilis kong tinikom ang bibig ko dahil nararamdaman kong kaya niya talagang gawin iyon sa kabila ng mga tao dito!

Tinaasan niya lang ako ng kilay dahil sa ginawa kong pagtahimik at umangat ang sulok ng labi niya. Inirapan ko siya nang makita na natutuwa siya sa nangyayari.

Nakalapit kami sa bench kung saan nakaupo ang teammates ni Dreyco. Umupo siya doon pero nanatili akong nakatayo sa harapan niya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin gayong sinama niya ako dito sa court.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now