12

2.1K 45 0
                                    

I got home after we bought my new shoes, but shit happened. Bumuhos ang malakas na ulan. Halos hindi na makita ang daanan sa sobrang lakas nito.

Clearly, it's not safe to drive lalo na at basa ang kalsada tapos malabo pa ang daan dahil sa lakas ng ulan. Siguradong madulas din ang lupa kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang patuluyin si Dreyco sa apartment ko.

I'm sorry, mother Cecil. Nagpapasok po ako ng makasalanan sa apartment.

Just kidding.

Malakas ang ulan nang makapasok kami sa subdivision at wala kaming payong parehas kaya matapos niya mai-park ng maayos ang sasakyan niya sa garahe, sumuong kami sa ulan at patakbong pumasok ng building.

Nilalamig ako nang makapasok kami dahil air-conditioned ang buong building, pero hindi ko pinahalata kay Dreyco na nangangatal na ako sa lamig. Sinuklay ko na lang ang buhok ko bilang diversion dahil basang basa ito sa lakas ng ulan.

Sumakay kami sa elevator at nawala ang panlalamig ko ng kaunti. Saglit lang at nakarating agad kami sa tamang floor.

Naglakad na ako at nauna sa kaniya dahil hindi niya naman alam kung saan ang room ko. I'm not sure if I'm doing the right thing but I trust my instinct. Besides, Dreyco looks harmless.

Right...?

I unlocked my door and push it to open. Automatic na bumukas ang ilaw malapit sa pinto.

Tinanggal ko ang jacket ko at inilagay sa rack malapit sa pintuan at iniwan ang sapatos sa gilid. Dreyco did the same.

Good thing is, palaging may dalang emergency bag si Dreyco na nakalagay sa ilalim ng back seat ng sasakyan niya. Parang gusto ko tuloy siyang gayahin na may nakahandang gamit kung sakaling may mangyari na hindi inaasahan.

"Feel at home. I'll just take a shower. You can take a shower on the other room if you want to." Tinuro ko sa kaniya ang pintong katabi lang ng akin.

Tumango lang siya. "Thank you."

Tumango lang ako at pumasok na sa kwarto ko.

Inilapag ko ang mga pinamili ko sa study table na nakalagay malapit sa bintana ng kwarto ko. Sakto lang naman ang taas ng bintana para hindi makikita ang table at LED lamp na nakapatong dito.

The best thing about room is the view. I can see the sunset from this window and the sky at night.

I took a quick shower and go out of the bathroom like how I used to. Naked. Tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang malinis na tuwalya saka ito pinulupot saglit para maglagay ng lotion sa buong katawan.

Kung ako lang ang nasa bahay ay malamang, hindi ako magsusuot ng bra, at cycling lang ang susuotin kong pang-ibaba dahil doon ako nasanay. Pero dahil nasa labas si Dreyco, nagsuot ako ng malaking t-shirt, bra, cycling at shorts.

Sinuklay ko ng mabilisan ang buhok ko at lumabas ng kwarto.

Napatigil ako ng makitang nakatayo sa sala si Dreyco at nagpupunas ng buhok. He's wearing a jogging pants without a shirt on. Nakatalikod siya sa banda ko kaya malaya kong napagmasdan ang kabuoan niya.

Sa bulto niya pa lang, halata ng athlete siya. He look so ripped and damn fine.

I sighed.

Fine! I'm kind of attracted to him since the day one!

I must say that he's pretty decent as a man. Hindi ko alam kung mali lang ako ng judgement sa kaniya na playboy siya dahil hindi ko pa siya nakikitang may kausap na ibang babae maliban sa circle of friends namin. Unless magaling lang talaga siya magtago ng babae niya.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now