41

2.2K 46 1
                                    

Sumimsim ako sa hawak na ladies drink habang pinapanood ang kasiyahan sa 'di kalayuan. Pribadong party dapat ito pero nagawa kong makasali dahil kilala ko ang may-ari ng bar.

Perks of being a Hermosa.

Pinanood kong mag-inuman sina Vince, Chris at iba pa nilang kaibigan na hindi ko kilala. Naroon din ang iilang kateam nila noon sa varsity gaya ni Zeke. Nasa VIP room sila at nagkakasiyahan habang pinanonood ko sila dito sa couch ng second floor. Glass ang pader ng VIP room kaya kitang kita ko silang lahat. Laking pasasalamat ko ng hindi ko nakita si Dreyco sa loob kahit pa Stag party ito ni Chris. Mukhang tama ang source ko na nasa ibang bansa ang lalaki dahil sa business.

Halos dalawang oras na akong nakaupo dito sa couch mag-isa at ilang lalaki na rin ang kumausap sa akin pero umaalis din agad dahil hindi ako nagpapakita ng interes. Its almost twelve in the midnight, for god's sake! Kailan ba sila matatapos? Nakailang baso na ako ng vodka sa kakahintay kay Chris na umalis. Hindi naman ako pwedeng pumasok na lang bigla sa VIP room para kausapin siya dahil baka masira ang supresa na gusto kong gawin.

Nagliwanag ang mata ko ng makitang tumayo na ang ilan sa kanila. Unti unting naubos ang kasama ni Chris hanggang sa silang dalawa na lang ni Vince ang natira. Agad ko silang sinundan nang lumabas na sila sa VIP room at bumaba para umalis ng club. Mabuti na lang at magkahiwalay ang parking nilang dalawa kaya madali kong nalapitan si Chris para kausapin.

"Hey." Pagkuha ko sa atensyon niya.

Tumigil siya sa pagbukas ng sasakyan para lingunin ako. Kumunot ang noo niya. "Do I know you?" He said coldly. Completely snobbing me.

Nanlaki ang mga mata ko. "What...?"

He looked at me like I was some kind of puzzle he knew nothing about. Walang kahit anong recognition na makikita sa mga mata niya.

"Look, woman." He looked at me with so much indifference. "I am getting married tomorrow so just find someone else who's free inside or I can recommend one of my friends to you since you're beautiful." Humakbang siya palayo sa akin.

Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang hindi niya talaga ako makikilala ng lubusan kahit pa sobrang liwanag dito sa pinagpa-parking-an niya. Napahawak ako sa tiyan ko na sumasakit sa sobrang kakatawa.

"Seriously?" Tumawa ulit ako. "You're not my type, Chris and I'm fully aware of your marriage because you're marrying my best friend."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bestfriend? Wala akong kilalang bestfriend niya maliban kay-" Napatigil siya at natulala sa akin.

Lumawak ang ngiti ko ng mukhang napagtanto niya na kung sino ako. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang umawang ang labi. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm wearing my usual party outfit way back in Florida when I used to party a lot after classes especially when I have free time. White tube top, bandage skirt and leather jacket with silver stiletto and a purse. Half tied-half down ang buhok ko, at smokey eye shadow ang ginamit ko para sa mata, then I swiped a bit of my colored lip gloss to complete my look. 

"Katelian?" He gaped. "Are you for real?" Hindi makapaniwang tinitigan niya ako.

Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi niya ako nakilala pero hindi ko naman inaasahan na as in hindi talaga niya ako mamumukhaan. Wala namang masyadong nagbago ang itsura ko maliban sa nagmature lang ako ng kaunti.

"Yes." I chuckled. " Anyway, I have a favor to ask. Would you help me?"

Naguguluhan man pero nagawa niyang tumango. "What is it?" Tanong niya.

"I want to surprise Beya tomorrow by attending your wedding. Would you allow me to be part of your wedding? I want to make her happy."

Seryosong tingin lang ang ipinukol niya sa akin, bago bumuntong hininga at tumango. "Fine. For her." I smiled. "So... how can I help you?"

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن