3

2.6K 60 10
                                    

I was about to put my earphones in my ears when the song 'Back to you' played kaya binalik ko na lang sa bag ko yung earphones. I sort of like the song so I chose to listen even if Beya and Helena's voice are mixing with the tune.

Mahina akong sumasabay sa kanta nang biglang nagsecond verse at sumabay si Dreyco kaya napatingin ako sa kaniya dahil sa ganda ng boses niya. Parang may kumiliti sa tiyan ko nang nagtama ang mga mata namin sa salamin. Napatigil ako sa mahinang pagkanta at napatitig na lang kay Dreyco habang kinakanta niya yung last part na puro 'I just keep on coming back to you'.

He looks really hot while singing.

Nagpalit ng song kaya naputol ang titigan naming dalawa. Napalitan ng freaky friday kaya naghiyawan sila na ikinangiwi ko dahil sa ingay. Kulob pa naman ang sasakyan at ilan kami dito tapos halo halo ang boses nila. Nakakahilo.

"That's my jam!" Nakangising sabi ni Beya at sinabayan ang kanta.

Natawa ako sa ginagawa nilang pagsabay sa malaswang kanta. Narinig ko na ang kantang ito sa kung saan kaya alam kong ang meaning ng kanta ay may kinalaman sa makamunduhang bagay.

Beya and Helena started swaying their body according to the beat of the song. I remained silently chuckling beside them. Si Dreyco nasa driver seat, si Chris sa passenger seat at katabi ko naman sina Beya at Helena dito sa backseat kaya medyo masikip kahit mapapayat naman kaming tatlo. Isama mo pa ang kalikutan nila kaya mas sumisikip kasi galaw sila ng galaw.

Hinubad pa ni Chris yung damit niya at hinagis kay Beya. Tawa naman ako ng tawa dahil ginagaya ni Beya yung part ni Kendall Jenner sa bandang dulo sabay turo sa private part niya. Natapos yung kanta habang nagtatawanan kami. Si Dreyco naman nakangisi lang at panaka-nakang tumitingin sa banda namin.

Sinisiko ako ni Beya at tinignan si Dreyco na para bang nang-aasar kaya sinabunutan ko siya ng mahina at pinandilatan para sawayin. Baka mahalata ng mga kasama namin ang pang-aasar ni Beya. Nakakahiya.

"Manahimik ka kung ayaw mong itapon kita palabas ng sasakyan kapag nang-gigil ako sayo." Sabi ko at inirapan siya.

Tumawa lang siya at kinindatan ako. Napa-iling na lang ako sa kislap ng mata niya na parang nanunudyo pa rin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanilang lahat at tumahimik.

Starving yung naging next song na isa sa paborito kong kanta kaya hindi ko mapigilang makisabay. They sing along too so we started jamming.


"You know just what to say
Shit, that scares me, I should just walk away
But I can't move my feet
The more that I know you, the more I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yesterday, oh"


I'm singing with a small voice. Natatabunan ng boses ni Beya at Helena ang boses ko kaya naman medyo confident akong kumanta dahil hindi naman nila naririnig. Beya faced me and started to encourage me to sing and move with the beat of the song, that I unconsciously did.


"I didn't know that I was starving till I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, by the way, you do things to my body
I didn't know that I was starving till I tasted you"


Nang mag-instrumental part na ang kanta, at dahil nadala ako sa pang-iinganyo ni Beya, ay wala sa sariling iginiling ko ang bewang ko para makasabay sa kanila. They give me the confidence and I already feel a bit comfortable with them that's why I manage to move along with their body. Nagtatawanan kami dahil sabay sabay namin hinaplos ang katawan namin pababa para mas magmukhang sensual ang galaw namin tulad ng kanta.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon