29

1.9K 38 2
                                    

It was a long ass walk towards the court. Just for me since I felt really awkward. Lalo na nang bitawan ko siya kanina pero hinawakan niya lang ulit ako.

"Your basketball team is good. Do you know any of the members? Aside from that man."

I'm thankful that he opened up a topic far from my embarrassing act. Pero hindi pa rin ako natuwa dahil nabanggit niya ang lalaking 'yon.

"I know them all. May interaction kami sa kanila kapag game season at tuwing weekend practices."

"Have you ever like one of them?"

I rolled my eyes. Natutunugan ko na kung saan patungo ang mga tanong niya.

"Wala."

"I hope you're not lying just because you know I'll be jealous."

"I'm not."

Sabi niya naman maliban kay Kaizer. Kaya nagsasabi talaga ako ng totoo. But if he did include Kaizer, I'll say I lied. Since I was kinda attracted to him when I first saw him play basketball. Bago ko pa malaman ang ugali niya.

Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa ulit. Tumigil kami sa pag-uusap saktong nasa tapat na kami ng bleachers. Hinarap ako ni Dreyco at bahagyang yumuko.

"Cheer for me." Humalik siya sa sintido ko bago tumakbo palapit sa bench nila.

Ilang beses akong kumurap. Natulala dahil hindi ko inaasahan 'yon.

"Grabe, ang harot! Tama yan! Para matapos na ang tuyot era mo! Mamaya, ipagdadasal ko talaga na madiligan ka na sana."

Nasa likuran pala namin sila Beya. They saw what he did. Kaya entro na naman ako ng pang-aasar nila ngayon.

"Tumigil ka na nga. Kung ano anong lumalabas sa bibig mo."

She just laughed.

Bumalik kami sa upuan namin kanina. Mabuti na lang at bakante pa rin ang tatlong upuan sa harap at walang nagtangkang umupo lalo na mas kita ang laro sa pwesto namin. Pinagtitinginan kami pero walang pakialam yung dalawa sa tabi ko.

'Taga De Vali sila diba?'

'Tanga, taga Zahara yung isa. Yung naka sweater?'

'Volleyball player yan ng Zahara. Balita ko siya ang nanalo sa archery ngayong taon.'

'Napanood ko yung game niya kanina. It was awesome!'

'Iikot ulo mo dyan kapag sinampal ka niyan.'

Muntik na akong mapahalakhak sa huling narinig bago kami nakarating sa pwesto namin. Sinulyapan ng ako ni Helena kaya pinigilan kong tumawa. Mukha kasing may sasabihin siya.

"Nakakainis kayong panoorin. Ang sweet niyo." Ngumuso siya bago umupo sa kanan ko.

Sa kaliwa naman umupo si Beya kaya ang ending, nasa gitna nila akong umupo.

"Sweet naman si Vince, ah?"

Namula ang buong mukha niya pero nagawa niya pa akong irapan.

"Hindi! Nakakainis yung chismosong yun!" Humalukipkip siya.

Inabot ni Beya si Helena na nasa tabi ko kaya iniatras ko ang katawan ko pasandal sa upuan. Pabiro siyang tinulak ng kaibigan.

"Hoy, babaita! Si Vince na lang ang lalaking tanggap ka kahit siraulo ka kaya kung ako sayo, huwag mo nang malditahan!"

So, hindi si Vince ang someone na tinutukoy niya kanina?

"Sino ba ang kasalukuyang boyfriend mo? A while ago, you said you're with someone." Tanong ko.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon