39

1.9K 44 7
                                    

An invitation came to me three days before Dreyco's birthday. Akala ko nga hindi na ako imbitado dahil mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikita.

I was unsure of what to wear at first but now I'm glad that I picked this spaghetti-strapped royal blue long dress. The dress has a slit on the left side of my leg, flaunting the length of my legs every time I walk.

Dala ang cellphone, invitation, at regalo ko kay Dreyco, sumabay ako kila Marie na imbitado din. Malapit lang ang bahay nila sa tinitirhan nila Dreyco kaya nagpasundo na ako. Nakarating kami sampung minuto bago mag-alas sais. Ibinigay ko ang invitation at pumasok na kami sa loob. I apologize to Marie because my seat is different from her. Kasama ko sina Beya, Helena, Chris, at Vince sa table malapit sa stage. We greated each other and settled down because the party is starting.

"You look gorgeous!" Puna ni Helena.

Nakasuot ng red na revealing long gown si Beya, habang black naman ang kay Helena. "You both look beautiful too." Nginitian ko sila.

"Tama na ang bolahan." Natatawang sabat ni Chris.

Marami pang nangyari na introduction sa event kaya nabagot ako. Binuksan ko na lang ang phone ko at napabuntong hininga ng makitang wala pa ring reply si Dreyco sa lahat ng messages ko. My last message was my greetings for his birthday on exactly twelve in the midnight. I put the effort of waiting till midnight just to greet him. Gusto ko kasi ako ang unang babati sa kaniya sa mismong kaarawan niya kaso hindi ko alam kung nakita niya na ang message ko dahil wala naman siyang reply.

"Ladies and gentlemen! Please welcome, the celebrant of this party, Mr. Dreyco Samaniego!" Pakilala emcee.

Tumayo kaming lahat at nagpalakpakan sa pagbaba ni Dreyco pero unti unting humina ang palakpak ko nang makitang naka-angkla ang kamay ng isang babae sa braso ni Dreyco.

That girl...

"-- and his fiance, Ms. Mikaella Querino!" Pahabol nito.

Parang nabingi ako sa narinig. Tuluyan akong natigil sa pagpalakpak at natulala na lang sa dalawa na mukhang masaya sa harap habang magkasama. Tipid na nakataas ang sulok ng labi ni Dreyco pero nung magtama ang tingin namin ay nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng panlalamig.

"Kate..."

Wala akong ibang maisip kung hindi ang narinig ko na sinabi ng emcee kanina. Parang nabibingi ako sa ingay ng palakpak nilang lahat. Hindi ko sinulyapan si Beya sa tabi ko na mahigpit na nakakapit sa kamay kong nanginginig na ngayon dahil unti unti nang pumapasok sa utak ko ang anunsyo kanina.

"E-Excuse me..." Nanginginig na boses na paalam ko.

Nagsimula na ang gift giving and greeting nang mahagilap ko ang katinuan ko at mabilis na tumalilis palabas ng venue. Narinig ko pa ang may kalakasang tawag nila Beya kaya napapalingon sa amin ang iilang bisita.

Dumeretso ako palabas ng venue at tumakbo ng walang patutunguhan. I kept running and running until I tripped and fell because of exhaustion. Tuluyan akong nagbreakdown sa madilim na kalsada. Literal na sinisigaw ko ang iyak ko at humahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman. Parang nabasag ang puso ko tapos pinipisil ang bawat piraso nito na halos ikapugto ng hininga ko sa sobrang sakit. Napasalampak ako sa gitna ng daan habang puno ng pait na umiiyak.

The announcement is ringing in my ears. Paulit ulit hanggang sa wala na akong marinig kung hindi ang katahimikan. I clenched my hand on my chest while trying to control the emotions that is overflowing inside me. Paulit ulit kong pinalo ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman dahil parang hindi ko na kakayanin pa kung tatagal ang ganitong sakit.

"Please..." I sob painfully. "Take this pain away... Take it away... I can't take this pain..." I beg and beg... but nothing. "Hindi ko na kaya..." Humagulgol ako. "Tama na, please... Ayoko na!"

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now