9

2K 56 3
                                    

Dahil napakalaki ng lugar, lahat ng sports ay kayang ihandle kahit pa sabay sabay ang laban. Lahat naman dito ay may sariling court kagaya sa school namin pero mas malaki lang talaga ang CHU lalo na ang mga bleachers nila dito. They can accommodate thousands of people here.

Pangalawa pa kami sa lalaban. First is Cleeve Hills Campus versus the 7th school in Vale City. Ang rule kasi ay ang unang anim na school sa ranking, makakalaban yung 7th school hanggang 12th.

1st vs 7th
2nd vs 8th
3rd vs 9th
4th vs 10th
5th vs 11th
6th vs 12th

Iyan ang team na maglalaban laban. It looks unfair pero ang ranking ay bumabase sa academic achievements ng school, hindi sports achievement. Matagal na ang competition na ito at hindi naman first school lang ang laging nananalo. Minsan nang nasungkit ng 12th school ang tropeyo kaya hindi masasabi na mahihina ang nahuhuling school.

Ang game ay may tatlong set. Two wins and your team will move forward. Twenty five points ang kailangan para manalo ka sa isang set kaya naman hindi katagalan kung susumahin. Kapag tumagal ang laban siguradong magaling ang mga manlalaro, unless my technical problem or kahit ano na makakagulo sa laro.


Natapos ang laro namin na masaya ang lahat. We won the first two sets.

Ako lang yata ang hindi masaya dahil sa buong game ay hindi ako pinasok sa court ni Coach! Nakasimangot lang ako habang naglalaro ang grade 12 players namin, which is yung regular players bago pa man ako makapasok sa team.

"Stop moping around and congratulate your teammates, Katelian! They might think that you're mad because of them." Bulong ni Coach Yna habang nangingiti sa akin.

Inirapan ka siya sa sobrang inis at kinamayan ang mga ka-teammates ko. Some of them are shocked that I suddenly talked to them and some are raising their eyebrow. Maybe thinking that I'm being plastic. Geez!

I know Coach is ruining my mood. Pinagtitripan niya ako at halata naman sa mukha niya na natutuwa siya sa kinalabasan ng trip niya. She pissed me off big time!

I was to fired up a while ago but then suddenly she told me that she needs to reserve my strength until I face Trisha!

Sa sobrang inis ko, nagpasya na lang ako na maglibot libot sa iba't ibang court. Hindi ko na inantay ang pagtatapos ng laro at hinayaan na sila doon.

Lahat ay may kanya kanyang ingay base sa nagiging takbo ng laro. Pero isang court lang ang pumukaw sa pansin ko kaya pumasok ako sa court na iyon at umupo sa VIP seat na walang nakaupo.

So what? Saka na lang ako aalis kapag may sumaway na sa akin!

"GO CAPTAIN! WE LOVE YOU!" Biglang tili ng grupo ng mga babae sa likuran ko!

Halos mapatakip na ako ng tenga ko dahil sa sobrang ingay ng court. Almost all of the audience are cheering for that certain 'captain' who is I have no clue at all.

Napansin ko na karamihan ng manonood ay babae at lahat sila may pagkakaparehas. Naka-ayos na parang may fashion show na gaganapin, Even their banners looks expensive. Are they competing about something here?

Agad kong tinignan ang court para hanapin kung ano ba talaga ang tinitignan nila. Yung laro o yung naglalaro? It's common in games like this especially this sports. Basketball. Marami talaga ang nahuhumaling hindi sa mismong laro kung hindi sa naglalaro.

Dumagundong ang buong court nang maka-shoot ang Cleeve Hills College Basketball Team, named Jaguars. Kaya siguro maingay dahil lamang ang CHU sa kalaban at halos lahat ng nanonood ay estudyante ng CHU.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now