24

1.7K 51 7
                                    

I came out of the locker room after I finished wearing my jersey.

Naabutan ko si Dreyco na nakasandal sa gilid ng pinto at umayos lang nang makita akong lumabas. Gusto kong matawa sa itsura niyang halatang inip na inip na sa pag-aantay.

Tumikhim ako. "Tara na."

Tinalikuran ko na siya at naunang maglakad. Kaya lang hinuli niya ang pulso ko. So I stopped and look back at him.

He sighed.

"Please don't make me worry too much."

Lihim akong napangiti. I didn't know he can be this
... soft.

"I'll try but I won't promise. The game is in crucial state, and I'll do everything to win. So if there's a need to be reckless, I will do it."

Muli siyang bumuntong hininga bago tumango kahit na halata ang pagtutol sa kaniya. He pulled me closer. I crash on his chest, then I felt him plant a tender kiss on my forehead.

"Fine. Come and run to me when the pain is too much. I'll be waiting for you."

Warmth filled my heart. Kinakapos na naman ako ng hininga at parang pinipilipit na naman ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan!

I bit my lower lip. Shit, kinikilig ba ako?

"I-I will." Sagot ko.

Tumango siya at hinila ako payakap sa kaniya. I let him since I feel like he's calm himself this way; by hugging me.

Bumitaw din naman agad siya matapos ng ilang segundo.

Naglahad siya ng kamay sa akin. "Let's go?"

Napangiti ako at tumango bago pinagsakop ang kamay naming dalawa.

"Let's go."

We walked towards the stairs while holding each others hand. Habang naglalakad kami papuntang court, pumasok sa isip ko kung ilang minuto kaming nagdrama doon sa locker at kung may aabutan pa ba akong laro. Bakit kasi nag-usap pa kami doon ng ganon katagal? Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagpatunaw sa pag-uusap namin ni Dreyco doon pero sa tagal no'n mukhang patapos na ang laro namin!

I sighed and turn my head to check Dreyco. "May aabutan pa kaya tayo?"

Nagkibit balikat siya na ikinalumo ko. "I don't know. That's why we'll check and see how's going on." Sagot niya at bahagyang ngumisi sa akin.

Nang-aasar pa talaga. Halatang pabor sa kaniya na wala kaming maabutan lalo na't hindi pa rin siya sang-ayon sa pagsali ko dahil sa injury ko.

Sinimangutan ko siya. "It's your fault. Dapat hindi muna tayo nag-usap. Ayan tuloy natagalan ako." Sisi ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Bakit? Totoo naman!" Pagpipilit ko.

Napailing siya. "You could blame me all you want, baby. That doesn't change the fact that you agreed about my courtship." Pang-aasar niya sa akin.

Nalukot ang mukha ko na ikinatawa niya. "I don't know what you're talking about. Who you?" Inirapan ko siya para pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko.

He bit his lower lip to stop himself from smiling. "You're soon to be boyfriend, baby." Hindi ko na naitago ang pamumula ko kaya tuluyan siyang napangiti.

Inirapan ko naman siya. "Ewan ko sayo, Rozel." Asar na sabi ko.

He just chuckled. Slowly, he slip his hand to mine and intertwined his fingers on mine. I pout to stop myself from smiling before locking my fingers on his too. He was smiling widely while looking at me from time to time. Naaasar ako sa ngiti niya kaya sinubukan kong hilahin ang kamay ko na hawak niya para asarin siya. Sinasamaan niya ako ng tingin kaya tumigil ako sa ginagawa at pinigilang asarin siyang muli.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now