30

2.1K 45 3
                                    

Nakarating kami sa condo ni Helena makalipas ang kumulang tatlongpung minuto. Tanging ako, si Dreyco, Beya, Chris, Vince at si Helena lang nandito.

Opisyal na sina Helena at Vince simula noong nanalo sila Dreyco sa basketball competition kaya naman naging malapit na din kami sa isa't isa. Hindi naman siya mahirap pakisamahan.

"Happy birthday!" Bati ko sa kaniya.

"Thanks! Ang aga niyo yata?"

"Early dismissal." Si Dreyco na ang sumagot.

Sa sala kami pumuwesto. May malakas na tugtog at may letter and number balloons na bumubuo sa salitang Happy 19th birthday, Helena! May mga food and snacks din at syempre hindi mawawala ang alak sa lamesa.

"May balak ba kayo maglasing?" Nakangiwing tanong ko sa kanila.

May Tequila pair with salt and lime, tapos bowl of punch drink sa lamesa! May ilang box rin ng Black Label tapos isang bote ng Blue Label at Red Label.

Tinitignan ko pa lang ay nasusuka na ako.

"Silly! Stocks ko lang yan." Natatawang sabi ni Helena. "Saka Black Label for boys at Tequila for girls sana, kaso sabi ni Dreyco punch na lang for us at bahala na silang boys. Looks like he doesn't want you to get drunk."

Inirapan ko lang siya at lumapit na sa pang-isahang sofa. Umupo ako at kinuha ang beer pong pack na nasa lamesa.

"Anong gagawin natin? Maglalaro nito?"

Lumapit si Beya at Helena sa akin para kunin ang beer pong pack at binuksan.

"Yes! We'll play beer pong. Dahil tatlo tayo, iba ang magiging rule natin. Kapag ako nakashoot, si Beya ang iinom. Kapag si Beya nakashoot, ikaw ang iinom at kapag ikaw ang nakashoot, ako ang iinom. Deal?"

Kinabahan ako dahil wala naman sa plano ko ang maglasing. Wala nga sa plano ko na uminom in the first place!

"A-Anong iinumin natin? Punch lang naman 'di ba?"

Umiling si Beya. "Nah-uh!" She smirked. "The game have a twist. Maglalagay tayo ng pitong basong may tequila at sa ilalim ng basong iyon ay may dare ka na gagawin!"

Umiling ako. "Nah-uh. I'm out!"

Kaya pala may nakaset up na plastic long table sa sala! Nakausog din sa sulok ang mga sofa at coffee table tapos tinanggal din ang carpet incase na mabasa. Malawak ang condo, halos pwede na nga magparty sa gitna.

"Hindi pwede! Birthday ko ngayon kaya ako masusunod!"

Wala akong nagawa kung hindi ang tumulong sa pagset up ng gusto nilang laro. Ang mga lalaki naman ay nasa balkonahe at nagsisimula ng mag-inuman. Nakabukas ang pinto ng balkonahe kaya nakikita namin sila at nakikita din nila kami sa loob.

Nagsimula na silang maglagay sa baso ng punch at tequila. Nagsusulat naman sa papel si Beya ng consequences na makukuha kapag sa tequila nashoot ang bola. Ako naman ang naglalagay sa table ng mga pulang baso na may laman ng alak at inaayos ito pa-pyramid.

Wala na akong nagawa nang makitang dalawangpu ang basong nilagyan nila ng alak kahit tatlo lang naman kaming maglalaro. Inilagay na rin ni Beya ang papel sa ilalim ng basong may lamang tequila.

"Ready?" Excited na tanong ni Helena.

I sighed and nod my head. Five pm pa lang at magsisimula na kami sa pag-inom.

Sana lang puro punch ang mapunta sa akin.

"Let's start!"

Si Helena ang unang sumubok at pumasok iyon sa baso ng punch. Kinuha ito ni Beya at paunti unting ininom habang pumupwesto para makashoot sa cup.

Unruly Choice of Fate (COMPLETE)Where stories live. Discover now