CHAPTER XXXII

2.1K 93 45
                                    

XIENNA

NAKAABANG ako sa paglabas nina Avy at Lydia sa kubo nina Elojah.

“She’s okay na,” sabi ni Avy. “We let her rest muna kasi she’s nahihilo pa raw, e.”

Two weeks passed since we revealed everything to her. Simula no’n, hindi pa rin kami nag-uusap. I tried approaching her pero umiiwas siya. Hindi na lang ako nagpumilit pa.

I knew her. Reasonable siyang tao. Alam kong hanggang ngayon ay nakikipagtalo pa rin siya sa isip niya. Alam kong pilit niyang sinasabi sa sarili niyang wala akong kasalanan. Pero naiintindihan kong nakakaramdam siya sa akin ng galit. Hindi man para sa akin ‘yon, para sa mga magulang ko man, isa akong paalala na nasa panganib ang buhay ngayon ni Daniel dahil sa kanila.

“And, Xien…”

Napunta ang atensyon ko kay Lydia.

“We made her take this.” Iniabot niya sa akin ang kulay putting bagay.

Napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagkabigla nang makita ko ‘yon. Unti-unting bumalong ang luha sa mga mata ko.

“P-Positive…” Umangat ang tingin ko kay Lydia.

Umiiyak na rin silang dalawa ni Avy.

Nakangiting tumango si Lydia. “Isa lang ang pinagamit namin dahil wala ng ibang kit pero I’m sure about the result. Nasa kanya ‘yong mga signs. She pees a lot, she feels tired and sleepy all the time, and she even hates the smell of garlic.”

Nakalabing tumango si Avy. “Even my perfume. She said that it’s mabaho raw. Hmph!”

Malungkot ang ngiting tiningnan ko ulit ang kit na hawak ko. Buntis siya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil magkakaanak na sila ni Daniel o dapat ba akong malungkot dahil alam kong mawawalan ng tatay ang magiging pamangkin ko.

But I need to do something. I couldn’t lie to her anymore. I needed to tell her the whole story.

Nginitian ko sina Avy at Lydia. “Thank you. Please pakibantayan muna siya. Pupunta lang ako sa laboratory.”

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Naglakad na ako papunta kay Daniel.

Silang dalawa ang nagbantay kay Elojah nitong nakalipas na dalawang linggo. Pinakiusapan ko sila dahil kahit gusto ko, si Elojah naman ang lumalayo sa akin.

Alam na nila ang lahat. Sinabi namin sa kanila nina Daniel at Zephyr. Kulang ang salitang gulat nang malaman nila ang totoo. Even Avy was mad at her grandparents because they saw how much Elojah suffered for the past two years.

Pagdating ko sa laboratory ay kasalukuyang under experiment si Daniel. Nakahiga siya habang may kung anu-anong nakakabit sa katawan niya. Napatingin silang dalawa sa akin ni Janine.

“Uy, Xien, bakit?” tanong niya nang makita niya ako.

Walang buhay na ngumiti ako sa kanya. “How’s it going?”

Ngumiti siya nang malapad. “Malapit nang ma-overwrite ang system. Mabubuo na natin ang formula.”

Tumango ako. “That’s good news, right? Because in two days time, the waves of zoombies will be within our border.”

Umupo ako sa isa sa mga upuan doon at napayuko. Pareho kaming natahimik. Tanging ang mga ingay lang na nanggagaling sa machines ang maririnig sa laboratory.

Hinayaan lang din kami ni Janine at nag-record lang siya ng data sa clipboard na hawak niya.

“You should talk to El,” sabi ko matapos ang mahabang katahimikan.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now