CHAPTER IX

1.8K 92 7
                                    

MULA sa pagkagulat, mabilis na bumalong ang luha sa mga mata ni Gunther. Nanginig ang mga labi niya dahil sa pagpipigil na umiyak.

"Guieana!"

Mabilis niyang tinawid ang malaking distansya nila ng kapatid niya. Nang makalapit ay lumuhod siya sa harapan nito upang magpantay ang kanilang mga mukha. Nag-atras-abante ang mga kamay niya, natatakot na baka bigla na lang itong mawala tulad ng isang panaginip sa oras na mahawakan niya ito.

Natatakot siya.

"She's real, Gun," sabi ng kaibigan niyang si Jarvi nang mapansin nito ang pag-aalinlangan niya.

Dahil doon, nakakuha na siya ng kumpyansa. Sa nanginginig na mga kamay ay unti-unti niyang hinawakan ang malambot na braso ng kapatid.

"Gia..." tawag niya sa kapatid, naninimbang.

Hindi umimik ang bata at nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Ngunit, mapapansing nangingintab na rin ang mga mata nito dahil sa luha.

"Gia."

Niyakap na ni Gunther ang kapatid nang mapatunayang totoo nga ito at hindi siya nananaginip lamang. Mahigpit na mahigpit ang yakap niya rito dala ng sobrang pangungulila sa kapatid na akala niya ay naging kaisa na rin ng mga zombies.

Hindi niya napigilan ang mapaiyak ng malakas. Wala na siyang pakialam kung magmukha man siyang bading sa harap ng mga kasama.

Sa pag-iyak niya idinaan ang sobrang saya at pangungulilang naramdaman.

"Gia, thank God you're safe. Akala ko wala ka na. Akala ko iniwan mo na si kuya Bang," bulong niya sa kapatid habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Hindi pa niya balak bitawan ang kapatid. Hindi pa sapat ang yakap niya rito para maibsan ang sakit na naramdaman sa mga taong nagdaan. Pero, naramdaman niya ang maliit nitong kamay na mahina siyang itinulak sa dibdib.

Napabitaw siya sa pagkakayapos dito. Nakatingin si Gia sa kanya habang kumukurap ang mga mata, waring nagtataka kung bakit siya umiiyak. Tapos ay itinaas nito ang maliliit na mga kamay at pumunas sa magkabila niyang pisnging basa ng mga luha.

Napangiti siya sa ginawa ng kapatid at hindi niya naiwasang muli itong yakapin.

Sobrang saya niya.

Sa likod naman ay umiiyak rin sina Avy at Lydia sa eksenang nasaksihan. Masaya sila para sa kaibigan.

Binitawan na ni Gunther si Gia. Nagpunas muna siya ng luha at suminghot-singhot bago ito binuhat. Napakapit agad ang bata sa kanyang leeg.

Hinalikan niya ito sa pisngi bago naglakad palapit kina Xienna at Jarvi.

"Guys," napailing-iling siya, "I don't know what to say."

He couldn't put into words the appreciation and gratitude that he was feeling at the moment.

"Just say thank you, idiot," nakangising sabi ni Jarvi.

Mabilis na sumama ang tingin ni Xienna rito. "'Yong bibig mo. 'Pag ikaw ginaya ng mga bata."

Lumapit si Roshi kay Xienna at hinila-hila ang kamay nito para agawin ang atensyon ng babae.

"Mommy Xien, kuya Jarvi said idiot. 'Di ba bad 'yon? 'Di ba say mo sa 'kin, 'pag ano sabi na bad word, 'yong nagsabi tukoy no'n, 'di ba? Idiot si kuya Jarvi?"

Kahit katatapos lang ng madramang eksena ay hindi maiwasang magtawanan ng magkakaibigan.

"You rat!" Naningkit ang mga mata ni Jarvi. Akmang hahabulin niya ang bata pero mabilis itong nakatakbo.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now