CHAPTER VI

1.8K 92 22
                                    

XIENNA

KAHIT gustuhin ko ay hindi ko magawang pigilan ang mga luhang pilit na tumutulo sa mga pisngi ko. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa akin ng lalaki at hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang malaki niyang kamay sa bibig ko para hindi ako makagawa ng anumang ingay.

Isang malakas na kalabog na naman ang narinig ko mula sa pharmacy kaya nagpumiglas na naman ako. Pero, wala talaga akong laban sa lakas ng lalaki.

"Pumirmi ka kung ayaw mong lalong mapahamak ang mga kasama mo!" sigaw nito sa akin.

Ate Ceah! Jarvi!

Hindi ko na maiwasang ang mapahagulgol. It was all my fault. Kung naging mas aware lang sana ako. If I didn't put my guard down, hindi sana ako magiging hostage ng lalaking 'yon. Hindi sana nakikipaglaban sina ate Ceah at ibinubuwis ang buhay nila para sa akin.

I wasn't worth it. Pero bakit pa rin sila tumuloy? Sana hinayaan na lang nila ako.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala na akong narinig pang mga kalabog.

Malakas na kumabog ang dibidib ko.

Anong nangyari? Sina ate Ceah...

Isang malakas na ungol ng zombie ang nangibabaw kaya tuluyan na akong nanghina.

No... No... They can't be dead. They can't! Not because of me!

Malakas na bumukas ang pinto ng ward kaya agad na napaangat ang tingin ko roon.

Hindi maipaliwanag ang saya at pasasalamat na naramdaman ko ng mga oras na 'yon nang makita ko sina ate Ceah at Jarvi na hinihingal na pumasok sa pinto.

Punung-puno ng itim na dugo ang mga damit at katawan nila.

Dahil sa sobrang excitement ay susugurin ko na sana sila ng yakap pero agad din akong nahila pabalik ng may hawak sa akin. Nakalimutan kong hawak pa pala niya ako.

"At saan ka pupunta?" tanong nito sa akin.

Masama ang tinging ibinigay ni Jarvi sa lalaki. "Nandito na ang gamot na hinihingi mo. Bakit hindi mo pa siya bitawan?" Iniangat niya ang isang plastic na sigurado akong naglalaman ng mga gamot na ipinakuha ng lalaki.

"Hindi gano'n kadali 'yon, bata." Lumakad pagilid ang lalaki, papunta sa kabilang pinto.

"Saan mo siya dadalhin?" tanong ni ate Ceah. Napaabante agad sila palapit sa amin.

"'Wag kayong lalapit kung ayaw niyong dumanak ang dugo ng babaeng 'to rito!" banta ng lalaki. Nakatutok pa rin sa leeg ko ang hawak niyang patalim.

"Pumunta kayo roon! Bilis!" Itinuro niya ang side ng ward na nasa may bintana at malayo sa pinto.

Nagtagis ang mga bagang ni Jarvi. Alam kong gustung-gusto na niyang sugurin ang lalaki pero pinipigil lang niya ang sarili niya para hindi ako mapahamak.

Tahimik at hindi inaalis ang tingin na pumunta sila sa pwesto na itinuro ng lalaki.

"Ngayon," sabi nito, "ihagis niyo ang gamot dito. Kapag nakuha ko na ang gamot ay saka ko lang pakakawalan ang kasama niyong 'to."

"Teka, hindi naman yata pwede 'yan!" alma ni ate Ceah. "Paano kami makakasigurong pakakawalan mo nga siya 'pag naibigay na namin sa 'yo ang gamot?"

"Wala nang maraming tanong! Ihagis niyo na lang ang gamot dito, kung hindi ay itutuluyan ko na ang babaeng 'to!"

Idiniin nito ang kutsilyo sa leeg ko. Gumawa 'yon ng panibagong sugat pero pinigil ko ang mapasigaw para hindi na mag-alala pa sina ate Ceah. Mariing ikinuyom ko na lang ang kamay ko para tiisin ang sakit.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now