CHAPTER XXX

1.6K 88 20
                                    

XIENNA

“SIS!”

Humahangos na lumapit sa akin si Elojah. Magulo pa ang buhok niya at halatang bagong gising lang.

Napailing ako. “A wave of zombies is approaching. As of now, nasa loob na sila ng boundary ng safe zone.”

“An---”

Naputol ang sasabihin ni Elojah dahil pareho kaming napaigtad sa gulat nang sunud-sunod na pagsabog na naman ang narinig namin.

“A-Ano ‘yon?” nanlalaki ang mga matang tanong niya.

“Mga mine bombs na nakatanim sa buong perimeter.”

Tumango-tango siya. “Ibig sabihin bago pa nila maabot ang first gate, mauubos na sila, ‘di ba?”

Napabuga ako ng hangin. “Kung sana nga.”

Nangunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin? Isang wave lang naman, right?”

“Yes, but,” tumitig ako ng diretso sa mga mata niya, “that wave is composed of a hundred thousand of zombies according to the detector.”

Napanganga si Elojah sa gulat. “Totoo?!”

Saglit akong napapikit bago tumango.

“Puta,” malutong niyang mura. “Hindi na talaga sila maubos-ubos.”

Walang buhay na natawa ako. “Sis, are you even shocked? Ilan ba ang populasyon ng buong Pilipinas before this apocalypse?”

Napatingin siya sa akin pagkatapos ay napaikot ang mga mata. “Right. Bakit ba nakalimutan ko ‘yon?”

“Elojah!”

Pareho kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Tumatakbo si Daniel papunta sa amin habang nagsusuot ng black shirt.

Kunot-noong napatingin ako sa best friend ko.

Binigyan ko siya ng ‘Ba’t nakahubad ‘yon?’ look pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin.

Naningkit ang mga mata ko. She was hiding something from me. Pero mamaya ko na lang siya tatanungin. We have an important matter to face right now.

Nang makalapit si Daniel ay hinawakan niya sa magkabilang balikat si Elojah. “Bakit ka biglang tumakbo? Ba’t mo ako iniwan?”

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay nitong nakakapit sa kanya. “Ano naman ngayon?”

“Kailangan nating mag-usap. May kailangan kang---”

“Daniel!”

Tatlo kaming napatingin kay Janine. Papalapit na ito sa amin.

“Come with me. We need to talk,” sabi ni Janine nang makalapit. Sobrang seryoso ng itsura nito.

Napatingin si Daniel kay Elojah tapos kay Janine tapos kay Elojah ulit. “Mag-usap tayo mamaya.”

Aalis na sana si Daniel pero nagsalita pa si Elojah.

“Akala ko ba may kailangan tayong pag-usapan?”

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Daniel. Halatang ayaw naman talaga niyang umalis.

“Mamaya. Mag-uusap tayo. Importante lang ‘tong pag-uusapan namin ni Janine,” sabi ni Daniel.

Tumawa ng mapakla si Elojah. “Ha! E, hindi naman pala importante ang pag-uusapan natin. ‘Wag ka nang mag-abalang kausapin ako mamaya. Alis!”

“Tang ina.” ‘Yon lang ang nasabi  ni Daniel bago mabibigat ang mga hakbang na sumama kay Janine.

Nilingon ko si Elojah. “Sis, baka naman may pag-uusapan talaga silang importante at hindi na ‘yon pwedeng makapaghintay.”

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Onde histórias criam vida. Descubra agora