CHAPTER 4: INTO THE FOREST

3.8K 152 33
                                    

"OUCH!" impit na sigaw ni Xienna nang madaganan ni Avy ang paa niya.

"Oh my gosh! I'm so sorry," hingi nito ng paumanhin.

Ngumiti na lang siya nang tipid. Tinutukan niya ng flashlight ang kanang paang puro sugat na siyang dahilan ng pananakit nito. It was covered in small cuts and dirt. May kaunting dugong lumabas mula sa mga sugat.

"Hala, sis! Bakit ka nagkasugat?" nag-aalalang tanong ni Elojah sa kanya nang makita ito. Mabilis siya nitong nilapitan upang inspeksyunin din ang nasaktan niyang paa.

"Sa pagtakbo ko yata 'to kanina." Hindi rin siya sigurado. Hindi niya namalayan kung saan o kung kailan niya iyon nakuha dahil sa pinaghalong takot at pag-aalala.

"Wait lang." Inabot ni Elojah ang backpack at kinuha ang first aid kita mula rito. Kumuha rin ito ng bottled water. "Akin na." Marahan nitong hinila ang paa niya para mahugasan.

She hissed upon the contact of her wound with water. Matapos mahugasan ang paa niya at masigurong wala ng duming iimpeksyon sa mga sugat ay nilagyan naman ni Elojah ng betadine ang bulak. Tahimik lang siyang nakatingin habang ginagamot nito ang paa niya. Hindi masakit ang gamot dahil hindi naman malalim ang mga sugat niya. Nang matapos ay hinanap ng kaibigan niya ang mga band-aid sa kit pero wala itong makita.

"Anong hinahanap mo?" tanong ni Xienna.

"Band-aid. Pero wala yata akong nadala. Itong bandage na lang kaya?" Itinaas nito ang bandage para ipakita sa kanya.

Ngumiti si Xienna nang matipid. "'Wag na. Sayang. Hindi naman malalim 'tong mga sugat ko, e."

She thought that they might need it later for a more critical injury, which she hoped not to happen.

"Kahit na. Baka mamaya ma-infection pa 'yan."

"Here."

Napalingon ang pito sa biglang nagsalita. Si Jarvi pala iyon na may hawak ng limang band-aids. Hindi man lang nila namalayan ang paglapit nito.

"O, I thought our groups can't get near each other para hindi mag-clash?" mataray na wika ni Avy. Nasa boses nito ang pagpapaalala sa mga sinabi ng kabilang grupo kanina.

Mabilis namang tinakpan ni Warren ang bibig nito. "'Wag ka ngang magulo. Siya na nga 'yong nagmagandang-loob na tumulong sa kaklase natin."

Tinanggal ni Avy ang kamay ni Warren na nakatakip sa bibig nito. "Fine, fine. And don't put your hand on my mouth. Baka it's dirty." Nagawa pang ngumiwi ng babae.

Sumimangot na lang si Warren at sinamaan ito ng tingin.

"If they don't want our help, then let them be," inis na sabi ni Lydia. Nakamamatay ang tingin nito sa kanila at nakatayo na, handang hilain ang kaklase anumang oras palayo.

Hindi na lang ito pinansin ni Jarvi at nanatiling nakalahad ang mga kamay na may hawak na band-aids kay Xienna. Pahablot niya itong tinanggap at pagkatapos noon ay umalis na ang lalaki sa harapan nila para bumalik sa mga kasama nito. She didn't want to look ungrateful, but her hand already moved before she could stop herself. Naiinis pa rin kasi siya sa sinabi nito kaninang free daw silang umalis.

Kinuha ni Elojah mula sa kanya ang band-aids at ito na ang naglagay niyon sa mga sugat niya sa paa.

"Ikaw, ha? One point ka ro'n," mahinang pang-aasar ni Elojah sa kanya na silang dalawa lang ang magkakarinigan.

"'Wag ka nga. Ayoko na sa kanya. Turn off na ako." Umirap siya.

Gano'n talaga siya kababaw magka-crush. One bad move and it would ruin all the admiration she felt for the person.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now