CHAPTER 26: TIME IS RUNNING

2K 91 13
                                    

ELOJAH

BUMABYAHE na ulit kami pabalik sa may warehouse.

Mabuti na lang at wala na kaming nakalaban pang mga zombies on the way sa firearm store at pabalik sa motorhome.

Nasa 11 na ng umaga. Mabilis ang pagpapatakbo ni Harvey dahil hindi kami pwedeng abutan ng bukas sa pagbyahe. Malayo pa naman ang warehouse.

Si Harvey ngayon ang driver habang natutulog sila Marga at Zephyr. Itinuro sa kanya ni Zephyr ang way pabalik. Ako naman ang back up niya kung sakaling may mangyaring masama.

Kunot-noong napatingin ako kay Harvey nang unti-unting bumagal ang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong huminto.

Naglakad ako papalapit sa kanya. "Anong nangyari?"

Napakagat-labi siya bago hinampas ang manibela dahil sa inis.

"We're out of gas," iiling-iling na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Wala ng gas?! Paano na kami makakabalik nito? Siguradong hindi kami aabot bukas kapag naglakad lang kami. At baka may makasalubong pa kaming mga zombies. Hindi na kasya ang mga arrows ko na nasa quiver.

Lalong hindi namin pwedeng galawin ang mga armas namin sa firearm store dahil bibilangin 'yon ni Jack. At ang iba pa ay may plano kaming paggamitan.

"Ano ng gagawin natin?" nag-aalala kong tanong. "Kailangan nating makabalik do'n agad. Paano na sila Xienna? Si Daniel? Baka kung anong gawin nila sa mga kasama natin."

I started pacing back and forth dahil sa sobrang pag-alala.

"I know, I know," sabi ni Harvey. "Just calm down, okay?"

"Hindi ako makakakalma! Wala na tayong gas! Paano tayo makakabalik?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa sobrang pag-aalala.

Napabuga na lang ng marahas na hangin si Harvey para mawala ang inis niya. "Gisingin mo muna 'yong dalawa."

Sinamaan ko siya ng tingin. Kitang namomroblema ako rito tapos ipapagising niya sa akin 'yong dalawa? Eh kung siya na lang kaya ang gumawa?

Pero sa huli ay nagdadabog na pinuntahan ko na lang sila Zephyr para gisingin. Siya nga pala 'yong leader.

"Guys, wake up. Wake up. We have a situation."

Magkasunod ko silang niyugyog. Una si Marga na nakahiga sa upper bunk tapos si Zephyr na nasa lower bunk.

Pupungas-pungas na umupo sa higaan si Marga. "Anong nangyari?"

"Wala pa naman kaming two hours na tulog 'di ba?" parang iritado pang sabi ni Zephyr na nagkukusot ng mga mata pero hindi pa rin bumabangon.

At may gana pa siyang mainis. Batukan ko siya riyan eh. Tingnan na lang natin kung makaganyan pa siya kapag nalaman niya ang sitwasyon natin.

"Wala na tayong gas," sabi ko.

"Ano?!" Napabangon sa gulat si Zephyr at dahil do'n ay nauntog siya sa upper bunk. Palibhasa kasi ang tangkad. "Aray ko! Shit naman!"

Halos magpagulong-gulong siya sa sakit ng sapuin niya ang ulong nauntog.

"Oh shoot! What are we going to do?" Mukhang tuluyan ng nagising ang diwa ni Marga sa sinabi ko.

"'Yon nga rin ang kanina ko pa iniisip eh," sabi ko. "Medyo nakalayo na tayo sa city. And we can't take the risk na bumalik ulit do'n lalo na't maliwanag na."

Nagmamadaling kumilos si Marga para bumaba sa kama. Tatalon na lang sana siya para mas mabilis pero sakto namang tatayo na rin si Zephyr. Ang resulta, nasipa niya ang ulo nito.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon