CHAPTER 16: ONE DOWN

2.4K 119 8
                                    

"WE can still do something about this," sabi ni Harvey habang idinidiin pa rin ang panyo ni Elojah sa patuloy na dumudugong braso ni Fionna.

Tiningnan ni Fiona ang kaibigan. Binigyan ito ng babae ng tipid na ngiti. "Don't give me false hopes, Harv. Alam natin parehong wala ng pag-asa."

Marahas na umiling si Harvey. "No. What are you saying? Meron pang pag-asa hangga't hindi ka pa tuluyang nagiging isa sa kanila."

Tumawa nang mapakla si Fionna. "So, anong gusto mong sabihin? Anong paraan ang naiisip mo? You will amputate my infected arm para hindi na kumalat ang virus?"

"Oo! Pwede nating gawin 'yon. Bakit hindi?" Halata ang desperasyon sa boses ni Harvey.

Tama ito. Baka sakaling mapigilan pa ang pagkalat ng virus kung puputulin nila ang braso nito. Ang kaso, papayag ba si Fiona? Payag ba itong mawalan ng isang braso? Isipin pa lang ni Elojah na sa kanya mangyayari iyon ay parang hindi na niya kaya.

"But we don't know the proper procedure," pagkontra ni Fionna.

Napapikit siya nang mariin. Lihim siyang sumang-ayon sa sinabi nito. Wala rin silang tamang mga kagamitan at aparato para gawin ang proseso kaya hindi nila malalaman kung tagumpay nga ito.

"Fionna, I'm your friend," matigas na wika ni Harvey. Hinawakan nito ang pisngi ni Fionna na basang-basa na ng luha. "You don't expect me to just let you die like this, right?"

Ngumiti si Fionna. "Alam ko naman 'yon, Harvey. At dahil kaibigan ko kayo, ayokong mapahamak kayo ng dahil sa akin. What if it didn't work?"

"But what if it did?" pamimilit pa rin ni Harvey.

"Sige, sabihin na nating naputol nga ang braso ko. Paano natin masisigurong hindi na nga ako magiging zombie? At kung mangyari man 'yon, makakaya niyo ba akong patayin? Ha, Harvey?"

Hindi nakasagot ang lalaki sa tanong ni Fionna.

"See? That's why I won't take the risk. Dahil alam kong hindi niyo makakayang gawin." Nilingon si Elojah ni Fionna. "Ikaw, Elojah? Magagawa mo ba akong barilin kapag hiningi ng pagkakataon?"

Napahugot siya ng malalim na hininga. She was put on the spot and did not expect that. She hesitated to answer at first but gave one in the end.

"Yes," sabi niya. "Pero alam kong hindi ako papayagan ng mga kaibigan mo."

"'Yan din ang nasa isip ko. Kaya, Harv," tumingin ulit ito kay Harvey na namumula na ang mga mata dahil sa pinipigil na luha, "'wag mo na akong pahirapan, please. Just leave me here."

Halos isang minuto rin ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang apat. Maya-maya pa ay sumagot si Harvey sa nanginginig na boses.

"If that's what you want, I'll respect it."

"Thank you," nakangiting sabi ni Fionna.

Hinila ni Harvey ang babae para yakapin nang mahigpit. Nang kumalas ito ay wala nang anumang emosyon ang mababakas sa mukha nito.

"Till we see each other again," sabi ni Harvey kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha na agad ding nasundan ng marami pang mga patak.

Tumango si Fionna habang nakangiti at nakakagat-labi para mapigilan ang malakas na pag-iyak.

"Goodbye," halos sabay nilang sabi.

Napaiwas si Elojah ng tingin. She hated it. She hated goodbyes.

"Tara na," sabi ni Harvey. Hindi na nito hinintay pang makapagsalita sila dahil tumakbo na ito papalayo.

Nagkatinginan sina Elojah at Warren at tinanguan siya nito. Lumampas ang tingin ng kaklase niya sa kanya para tingnan si Fionna.

"It was nice meeting you. I hope to meet you again in our next lives," seryosong sabi ni Warren.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now