CHAPTER XI

1.7K 86 13
                                    

XIENNA

IPINAGKRUS ko ang mga braso ko habang pinagmamasdan si Lydia na nagluluto kasama si Avy.

Ano bang nangyayari sa kanya? Mukhang kanina pa siya hindi mapakali. Parang may gusto siyang gawin pero may pumipigil sa kanya.

"Then, do you remember no'ng hindi pa tayo okay lahat?" Tumawa si Avy. "Kulang na lang magpatayan kayo ni Elojah."

Hindi sumagot si Lydia. Patuloy lang ito sa paghihiwa ng mga gulay at mukhang malayo ang iniisip.

"Lyd?" Tiningnan siya ni Avy dahil sa hindi niya pagsagot.

"H-Ha? Ano 'yon?" natatauhan niyang tanong.

Sumimangot si Avy. "Nothing. Sabi ko nami-miss ko na 'yong pagiging maldita ni Elojah."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Avy. Kahit ako, nami-miss ko na 'yong dating Elojah. Ni hindi na kami nakakapag-usap simula nang mangyari 'yong insidente kay Daniel. Mag-uusap lang kami 'pag tatanungin ko siya kung may kailangan ba siya. Pero, kadalasan namang sagot niya ay wala.

I wanted her to feel that if ever she needed me, nandito lang ako. Iba talaga ang naging impact sa kanya ng pagkamatay ni Daniel.

Nabaling ang atensyon ko kay Lydia nang mabitawan niya ang kutsilyo sa ikatlong pagkakataon. Gumawa iyon ng mahinang kalansing sa tiled na sahig ng kitchen.

Napatayo na ako mula sa kinauupuan ko at iniwan ko ang kinakain kong pancake saka lumapit sa kanya.

Nakayuko na siya para kunin ang nabitawan.

"Lyd, ayos ka lang?" Hinawakan ko siya sa balikat.

Mabilis siyang napaigtad kaya lalo akong nagtaka.

Kahapon pa siya nagkakaganito. Ako lang yata ang nakakapansin.

"H-Ha? Ah... O-Oo. I'm fine. Bakit naman hindi?" sagot niya na hindi tumitingin sa akin. Humarap na ulit siya sa mga hinihiwa niyang gulay.

Napatingin na rin si Avy sa kanya mula sa paggigisa nito. "Are you still sick, Lyd?"

Sunud-sunod ang naging pag-iling niya. "No. Okay na ako."

Sinuri ko siyang maigi. Something was really off with her.

Sa halip na kulitin siya, pinili ko na lang ang manahimik muna at obserbahan pa siya. I'll gather some information para sa susunod na tanungin ko siya ay hindi na siya makatanggi sa akin.

Habang busy sila sa pagluluto, lumabas na lang muna ako para puntahan si Elojah.

Nagsasampay siya ng mga damit na nilabhan namin kanina. Papalapit pa lang sana ako pero nauna na si Harvey sa akin.

Napailing na lang ako.

Harvey didn't know when to give up.

Ipinagkrus ko na lang ang mga braso ko at hinayaan siyang kausapin si Elojah. Nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"El, let me help you with that," alok niya rito.

As expected, hindi siya pinansin ni Elojah. Parang wala lang narinig ang best friend ko at nagpatuloy sa pagsasampay ng mga damit namin.

Harvey just smiled to himself saka nagkusang kumuha ng mga damit na isasampay.

Hina-hanger na niya ang mga 'to nang lingunin siya ni Elojah.

"Anong ginagawa mo?"

Hindi ko mapigilang makaramdam ng panlalamig dahil sa boses nito.

Ngumiti si Harvey ng malapad dito. "I'm just helping you."

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now